WDBHG 60 "Call me when you get home, okay?" Ani Steve bago sila maghiwalay ng landas pagkatapos ng date nila. Bigla ring nagbago ang mood nito matapos makatanggap ng mensahe habang kumakain sila. "Ano kita, boyfriend o daddy?" Pagbibiro niya pa. "I can be a daddy. That role suits me perfectly." Pagbibiro pa nito. But I am serious, Stef. Call me." Inirapan niya na lang ito. Masyado namang naging seryoso ang lalaking kanina lamang ay nakikipag harutan pa sa kanya. "Oo na po, tatawagan na kita kapag nakauwi ako ng buo." Dagdag na pang aasar niya pa. Biglang nagngalit ang panga nito sa sinabi niyang 'yon. Lalong nagdilim ang mukha nito at tila ayaw nang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanya. "What's going on, Esteban? You're scaring me." Hindi niya na napigilang sabihin. Ang weird kase