"Hi baby ko?" Pinigilan ni Lance mapangiti dahil kay Hailee. May dala itong Roses na Red. Kanina iniwan niya ito sa dalampasigan. Hindi niya maiwasan kiligin kanina ng ito mismo ang humingi ng Second Chance Pinilit niyang mag sungit sungitan "Pang babae ang panliligaw mo. Hindi uubra sa mga lalaki yan" pumasok na siya sa kwarto nila ni Hailee Napatulis ang nguso nito dahil hindi niya tinangap ang Roses na dala dala nito "Baby ko tangapin mo na tong roses please? Hindi ko alam paano ligawan ang lalaki kaya ito lang ang naisip ko" Sinundan siya nito sa Kama. Napangiti siya ng Pilyo "Sing for me" "What?!" Nagulat ito sa request niya "Kung ayaw mo okay lang.." Pangkokonsensya niya dito "P..Pero wala akong practice.." Halatang nahihiya ito kumanta "Tayong dalawa lang naman makaka