"Pangako" "Wow regine ikaw ba yan? Palakpakan po natin si Miss Hailee. Upang hamunin ang ating Singing Champion!" Nagpalakpakan lahat ng tao. Pero palakpak lamang ni Lance pakiramdam niya panalo na siya "Good evening po? This song is for my Husband.. Para sayo tong kanta ko Mahal ko. Sumali ako dito hindi para manalo.. Kundi maiparating sayo ang bawat pangako ng puso ko.. I love you so much Lance Steford!.. Please listen to my heart" Napangiti si Lance sa kanyang sinabi. Pumalakpak pa ito at nag thumbs up kaya mas lumakas ang loob ni Hailee. PLEASE PLAY THE BACKGROUND MUSIC Huminga ng malalim si Hailee habang titig na titig siya kay Lance. I love you Lance.. "Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata? Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta" "Di mo ba pansin, ako sa 'yo'y may pagting