"Baby ko ang dami mo naman biniling supplies?" Natatawa si Hailee ng makita si Lance bitbit nito ang groceries bags na pinamili nito.. Galing ito sa Hospital at kakauwi lang nito sa kanilang Munting Bahay ❤️ "Syempre ayokong magutom ang misis ko" Tumulis ang nguso nito pagdaan sa kanyang harapan.. Ibig sabihin nanghihingi ito ng kiss mula sakanya Napangiti siya bago ginawaran ng halik sa labi ang kanyang Asawa.. hihi ang sarap sa pakiramdam na mag asawa na kami ngayon ni Lance.. Halos dalawang Linggo na kaming mag asawa. Dito na kami nakatira sa Bagong bahay na binili ni Lance para saming dalawa at sa magiging mga anak namin sa future.. "Mwaaa!" Napangiti si Lance ng halikan niya ito ng mabilis "qSarap naman ng Kiss ng asawa ko.. Isa pa nga? Natatangal pagod ko eh" Kahit bigat na big