Mula ng araw na nag walk out si Lance sa Hospital Room. Hindi na sila muli nag usap ni Hailee. Kahit nasa bahay silang dalawa hindi sila nag uusap at hindi din sila nagpapansinan. Nasasaktan si Hailee dahil bigla nalang naging ganito si Lance sakanya. Siguro nauntog na ito at nagising sa katotohanan na hindi sila pwedeng magkatuluyan Cold War between them.. Mabuti na sigurong di na kami nag uusap ni Lance.. Tama siguro si Trevor hindi ako nag iisip.. Papasok na siya sa kanyang opisina ng makasalubong siya si Lance sa Entrance ng Malaking bahay nila.. Its been three days.. Tatlong araw na silang di nag-uusap at nagkikita Napansin niya ang kiss mark sa leeg nito. Mukhang pinapakita talaga nito sa kanyang may babae na ito So ganon na lang yun? Napagsawaan na niya ang katawan ko?