Chapter 15 Naiinis si Hailee sa kanyang sarili dahil Friday night palang excited na siya para sa mangyayari kinabukasan. Hindi niya maiwasan maisip kung makikita niya ba si Lance bukas sa Mismong bahay ni Gavin Kinakabahan siya.. Nagpa Salon at dental cleaning pa siya kanina para lamang paghandaan ang pagkikita nilang muli ni Lance kinabukasan. Paikot ikot siya sa kanyang kama. Hindi siya makatulog!!! Tumayo siya at Humarap siya sa Salamin.. Napabuntong hininga siya.. Bakit ba siya kinakabahan??? Napansin niyang bumagay sakanya ang New look niya ngayon. Nagpagupit siya ng Bob-Cut hair upang magbago naman ang kanyang hairstyle. Mula pagkabata niya kasi palaging mahaba ang kanyang buhok. Kung nuon medyo chubby siya.. at may baby fats pa siya sa kanyang kilikili, Ngayon Slim at Sexy n