Hindi naman na ako sinundan pa ni Ace habang nasa Baguio kami. Malaking gulo kapag nalaman ng mga taong kilala namin ang ginawa ni Ace lalo na sila Francine at Geoffrey. Ayoko na rin na magkaroon pa ng kahit anong gulo sa pagitan namin ni Franco at Francine dahil maayos na ang relasyon namin. Araw na nang pag - uwi namin at sulit ang pagod ko dahil napasaya ko ang mag - ama ko. Ang kasiyahan nilang dalawa ang lubos na magpapasaya sa akin. Itinabi niya pa ang ibibigay niyang pasalubong para kay Yana at ang para sa kanyang guro. Alam kong pagod rin si Geoffrey pero kagaya ng nasa isip ko, kapag masaya kaming dalawa ni Erwan ay nakakapagpasaya na rin sa kanya iyon. Maaga ako nagising dahil tulog ako magdamag sa byahe at ganon rin si Erwan. Hindi ko na lang muna siya pinapasok dahil sa p