Pagkagising namin, hirap pa ako bumangon dahil sa sobrang pagod ko kagabi, pero wala na si Geoffrey sa tabi ko. Naiwan naman si Erwan kaya hinayaan ko na muna siyang magpahinga. "Goodmorning, wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kanya at gusto ko sanang huwag na siyang papasukin pa sa kompanya ni Franco pero ayoko naman pangunahan siya. Hindi naman sila dapat madamay sa awayan namin nila Francine kaya kung gusto niyang magtrabaho pa rin kay Franco ay hindi ko siya pipigilan. "Hindi na muna ako papasok. Gusto ko munang makasama kayo ni Erwan kahit ilang araw lang." Sagot niya sa akin at nilapitan ako para halikan ako sa noo. Hindi naman na ako nagreklamo pa sa ginawa niya at pinagpatuloy niya na ang pagluluto ng almusal namin. Natuwa naman ako atnaisip niyang huwag munang pumasok. Kaya ko