"Narinig ko ang sinabi ng doktor sayo, bakit hindi mo kayang sabihin sakin ang totoo? Tanong ni Geoffrey nang kaming dalawa na lang sa bahay. Kasama na namin si Mama simula ng umalis si Genesis at Aero, pinatuloy na namin siya sa amin para magkaroon na rin ako ng katuwang sa pag - aalaga kay Erwan. Hindi na bumalik sila Aero matapos nilang tumakas at nagtago sa kung saang probinsya. Minsan ay nagpaparamdam pa rin si Aero para kamustahin ang kapatid niya pero wala naman akong masabi dahil lumayo na rin sila Francine sa amin. "Hindi ko kayang sabihin, hindi naman ganoon kadaling magsabi ng mga bagay lalo at alam mong makakasakit ka." Sagot ko sa kanya at bumaling siya sa akin at sinipat ang pisngi ko. Kung pwede lang na palaging lalambingin ako ni Geoffrey at gagawin ko na pero ayoko rin n