Naka isang linggo na rin ako sa kompanya ni Franco at wala naman akong naging problema. Pinilit ko lang siya na doon na ako magtatrabaho sa cubicke na nakalaan para sa akin at hindi sa opisina niya. Hindi naman kalayuan ang pwesto ko sa office niya. Huling araw na ito na iiwanan ko si Erwan sa bahay nila Aero dahil sa ginawa niya sa akin nung nakaraang araw. Pinabantayan ko na lang kay Mama at huwag papalabasin ng kwarto si Erwan. Huminga muna ako ng malalim at baka pag nakita ako ni Aero, mangulit na naman siya. "Goodmorning!" Bati ko kay Genesis dahil nagluluto na siya ng almusal habang naglilinis naman si Mama. Nilibot ko ang buong bahay at wala naman doon si Aero. Kaya nakampante ako na magiging safe ang anak ko ngayon. "Goodmorning! Hi Erwan!" Bati niya sa anak ko at umupo na agad