Wala akong nagawa kundi sumakay sa magarang sasakyan ni Kuya Troy. Nakasimangot na naglagay ako ng seatbelt habang siya ay cool lang na sinasabayan ng head bang ang music sa radyo. Nganinganing gusto kong sumigaw at magdabog sa inis dahil tila pakiramdam ko nang-iinis siya. Coincidence lang ba na maaga rin siyang papasok today? O sinadya niya talaga ang lahat dahil may pakiramdam siya na hindi ako sasabay sa kanya. Baka iniisip niya na sasabay na naman ako kay Drake Marko ulit ngayong umaga kaya inunahan na niya ito. "Hay ewan ko sa iyo, Ynnah! Masyado ka na namang assuming! Napatingin ako sa kanya ng sabayan niya ang kanta sa radyo. Ang sagwa ng kanta at parang gusto ko siyang sabihan na itigil ito at patayin ang radyo. "s*x bomb, s*x bomb, you're my s*x bomb and baby you can turn m

