"M-Mommy…ang hirap pala. Ang hirap pala magpanggap na ayos lang ako," daing ko kay Mommy nang makapasok kami sa kwarto ko. Hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa pag-iyak at ilabas ang lahat ng bigat sa aking dibdib. Hirap na hirap na akong magpanggap sa harap ni Ynnah na ayos lang ako kaya kanina ay bumigay na ako sa pag-iyak. Pinipilit ko lang naman na ipakita sa kanya na ayos lang ako kahit alam ko naman na nahahalata niya na may kakaiba na sa aking kalusugan. I tried to be happy in front of her but deep inside of me gusto kong umiyak sa harapan niya. Gusto kong umamot ng comfort sa kanya dahil feeling ko mag-isa ako na nakikipaglaban sa sakit ko. Sabagay, mag-isa lang naman talaga ako dahil maging sina Daddy at Mommy ay walang magagawa para dugtungan ang buhay ko. Wala ng gamot sa sa

