Chapter 17: Unfair (Ynnah's POV)

1532 Words

"A-Ate…huwag mong pangunahan ang tadhana namin ni Kuya Troy. Paano kung ikaw naman pala ang mahal niya at hindi na ako? Baka nagkakamali ka lang sa mga nakita mo sa kanya. Huwag mong gawin 'to please, kahit gaano ko pa siya kagusto, ayaw ko naman na sa ganyang paraan kami magkatuluyan," malungkot na saad ko kay Ate Annika. Ang naisip niyang plano para wala ng kawala sa akin si Kuya Troy ay dapat may mangyari sa amin. Alam daw niya na hindi ako matatanggihan ni Kuya Troy na pakasalan kapag nangyari ito. Oras na kunwari makarating ito kay Ate Annika at sa pamilya ko. Kaagad na makikipag-break si Ate Annika sa kanya para kaagad kaming ipakasal ng parents ko. Tapos si Ate Annika free na siyang makipagrelasyon sa iba and after a month saka niya ilalantad ang relasyon niya sa Garry na sinasabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD