Chapter 26: Hindi ako nag-ingat. (Troy's POV)

1717 Words

Nanatili pa ako sa bahay nina Ynnah hanggang maggabi. Sumabay pa ako sa kanya sa dinner kaharap ang kanyang mga magulang at si Annika. Habang nasa hapag-kainan kami ay tahimik lang kaming kumakain na tila walang nais magbukas ng usapan. Katabi ko si Ynnah na tahimik na sumusubo ng kanyang pagkain. Ako pa nga ang naglagay ng pagkain sa plato niya dahil mukhang wala siyang balak maglagay ng pagkain nang makaupo kami. Si Annika na nasa tapat namin ni Ynnah ay tahimik lang din na sumusubo. Panay ang sulyap niya kay Ynnah na tulala sa kanyang plato habang mabagal na sumusubo. "So, next week na ang kasal ninyo Troy, Ynnah…nakahanda na ba ang lahat ng gagamitin ninyo, Troy?" tanong ni Tita sa akin. Dumapo kaagad ang tingin ko sa gawi ni Tita na katabi si Tito na mataman ding nakatingin sa gawi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD