Natigil ang tawanan namin ni Drake nang marinig namin na may tumikhim sa may sala. Kaagad na dumapo ang tingin naming dalawa sa mga taong naroon. Nakita ko si Ate Annika na nakayakap at nakahilig kay Kuya Troy samantalang si Kuya Troy ay masama ang tingin sa lalaking katawanan ko at kahawak ng kamay. Napalis ang multo ng ngiti sa mga labi ko. Inalis ko ang tingin ko kay Kuya Troy nang makita kong lilipat ang tingin niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang magalit sa kanya kapag naiisip ko ang ginawa niyang pag-amin sa akin kahapon. Ginulo lang niya ang isip at puso ko, mabuti na lang nagawa ko siyang iwanan sa kotse niya bago pa lumawig ang aming pag-uusap. Baka kung saan pa ito humantong at magsisi ako sa mga sasabihin ko pagkatapos. Hindi ko alam kung totoo 'yon, kung totoo man dapat hin

