Ang akala ni Caren ay nakaligtas na siya sa kapilyohan ni Jayvee subalit doon siya nagkamali. Dahil bago ito umalis ay inangkin muna nito ang labi niya sa pag-aakalang simpleng goodbye kiss lang iyon ngunit halos namanhid ang labi niya sa intensidad ng ginawang halik ng binata. May pilyong ngiti ito sa labi bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya para umalis. Habang siya ay naiwang tila natulos sa kinatatayuan habang hawak ang medyo namamanhid na labi. Hindi makapaniwala at nagulat sa biglaang pag-atake nito. Nang makabawi sa ginawa ng binata, sinimulan na niyang ayusin at linisan ang kwarto nito. Nagsimula siya sa magulong kama na parang dinaanan ng bagyo dahil sa pagkukulitan nila kagabi. Napailing na lang siya habang may tipid na ngiti sa labi habang abala sa pagliligpit sa loob ng kwarto