Malawak ang ngiti at walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Caren habang nakayakap siya sa bewang ni Jayvee at bahagyang nakasandal sa dibdib nito. Parehas silang naka-upo sa buhangin sa dalampasigan at humahangang nakatingin sa papalubog ng araw. Napakagandang pagmasdan ng kulay kahel na kalangitan pero ang mas maganda talagang pagmasdan ay ang sunset. Iyon ang unang beses na masaksihan niya iyon dahil mabibilang pa sa daliri sa kamay ang paglabas niya ng bahay simula noong nagparamdam na ang pagiging nympho niya. Pero ang masayang ngiti sa labi niya ay agad na nawala ng makaramdam siya ng kakaiba sa katawan niya. Bahagya niyang nakagat ang sariling labi ng maramdaman niya muli iyon at sinubukan niyang pigilan pero hindi niya kaya. Nagsisimula ng mag-init ang kanyang pakiramdam at k