Hindi makapaniwala si Bree sa nakikita ng kaniyang mga mata. Umawang ang bibig niya sa mga nakalatag ngayon sa maliit niyang kama. Niyugyog ni Chelle ang balikat niya pero hindi niyab magawang panisin iyon.
To say that she was shocked was an understatement.
“Kanino ba galing ang mga ito?”
“Kanino pa ba? E ‘di kay sir Renz! Hindi ba sinabi niyang siya ang bahala sa susuotin natin para sa party bukas?
Mukhang mas excited pa si Chelles na isuot ang mga damit na ipinadala para kay Bree. May ipinadala ng damit si Renz para kay Chelle, kaya naman kaagad na napasugod ang dalaga sa kaibigan para sabay na silang pumunta doon.
Kailangan din nilang pumunta doon dahil may trabaho sila. Si Chelle bilang assistant secretary at si Bree naman bilang kasali sa marketing team. Kailangan na nandoon sila dahil baka may mga aberya sa party.
“Bakit tatlo? isang damit lang naman ang kailangan ko.”
“Hindi mo pa natingnan kung sino ang sender ng mga iyan? Tingnan mo dali!”
Napilitan si Bree na buksan ang mga iyon at tingnan ang note na nasa loob. Kinakabahan si Bree. Hindi alam kung ano ang dapat na iisipin. Hindi niya pa ginalaw ang mga damit dahil natatakot siyang masira niya iyon.
Kinagat ni Bree nang makita ang isang damit na galing kay Renz. Kulay asul iyon at napakaganda ng tela. Nakakahiyang suotin ng isang tulad lamang niya. Sigurado siya na mahal iyan base sa pangalan ng designer na nakalagay doon sa box at damit.
“Grabeh talaga si sir Renz, ang bongga niya. Maganda din iyong damit na pinadala sa akin, Bree. Halatang mamahalin ang mga iyan.”
Bree pulled the cover of the second box. Kulay dilaw iyon, at katulad ng naunang binuksan nila ay napakaganda din ng tela nito. Kung tutuusin ay mas maganda itong gown na kulay dilaw. It has stone details on the neck part.
Parang nahipnotismo si Bree sa ganda niyon. At mas lalo siyang natulala nang makita ang note na nasa loob.
“Galing kay sir Chris ang isang ito!” bulalas ni Chelle. Kahit na ito ay nagulat. “Bakit ka padadalhan ng damit ni sir Chris? Diyos ko, iyang kagandahan mo, Bree ambunan mo naman ako! Lahat ng mga guwapong lalaki sa kompanya ay nagkakagusto sa’yo!”
“Anong nagkagusto? Nagmagandang loob lang ang mga iyan. Sa tingin mo si sir Renz may gusto sa’yo dahil pinadalahan ka ng damit? Mabait lang iyon tao, binibigayan mo ng meaning. Tigilan mo na kababasa diyan sa mga billionaire romance na kwento. Nagde-day dreaming ka palagi e.” mahabang pahayag ni Bree sa kaibigan.
Ngumuso lang si Chelle pero mukhang hindi rin apektado sa sinabi ni Bree dahil pumalakpak ito nang makita ang ikatlong box na dumating.
Hindi mawari ni Bree pero dito sa putting box talaga siya kinakabahan ng husto. Pakiramdam niya ay para siyang maiihi na ewan.
“Buksan mo na bilis!”
Kagat-kagat ang labi ay dahan-dahan ang pagbukas ni Bree sa takip ng box.
Nahigit ang hininga niya nang bumungad sa kanila ang isang pulang bestida. Napakaganda ng kulay na iyon. She was temporarily speechless.
“My god! Bree, ito ang pinakamaganda!”
Walang paalam ng kinuha ni Chelle sa box at itinaas iyon.
It was an off-shoulder dress. Nang itapat iyon ni Chelle sa katawan ni Bree ay makikitang sakto talaga iyon sa sukat ng katawan niya.
“Bagay na bagay ito sa’yo, girl! Tingnan mo kung sino nagpadala. Isa ka talagang sana all, Bree.”
hinanap ni Bree ang card pero wala siyang makita. There was no indication as to who sent the dress. Wala rin itong return address. Nagtatakang napatingin si Bree sa kaibigan at umiling.
“Ano?”
“Walang card, e. Wala rin nakalagay sa box kung sino ang sender o kung saan ito nanggaling?”
Inagaw ni Chelle ang box at ito mismo ang tumingin. Wala talaga itong nakitang indikasyon kung sino ang nagpadala ng damit.
“Ang secret admirer mo siguro ito, Bree. Baka si sir Jax ang nagpadala nito!” Nanlaki pa ang mga mata nito.
Bree bit her lower lip. Malabo ng si Jackson ang nagpadala ng damit dahiul unang-una, galit ito sa kaniya. Ikalawang dahilan, ano ba siya sa buhay ng amo? Bago pa lamang siya sa trabaho niya at hindi pa siya nito lubos na kilala. Para kay Bree ay walang rason si Jax para padalhan siya nito ng damit. She was wasy too out of his league.
Umiling si Bree. “Imposible iyang sinasabi mo, Chelle.” Kinuha ni Bree ang damit mula kay Chelle at tinupi iyon. Wala siyang balak gamitin ang damit na ito. Hindi niya isusuot ang damit na hindi niya naman alam kung kanino galing. She can’t do that. Kung galing man ito sa sinasabi ni Chelle na secret admirer niya ay mas lalong hindi niya ito isusuot. Nakakatakot iyon.
“Ano iyang ginagawa mo?”
“Ibinabalik ko sa box iyang pulang damit. Hindi ko isusuot iyan. Masyadong maganda iyan, masyadong agaw-pansin. Baka mas lalong maiinis si sir Jax sa akin kapag nakita akong parang trying hard doon.”
Umawang ang bibig ni Chelle sa sinabi ni Bree. She couldn’t won’t take this opportunity to where such elegant dress. Kung sa kaniya pa ipinadala iyan ay sigurado si Chelle na hindi niya palalampasin ang pagkakataon na maisuot ang ganiyang klaseng kaganda na damit.
Pero hindi rin niya masisisi ang kaibigan. Hindi nila alam kung kanina galing iyan kaya nakakatakot isuot.
“So, alin dito ang isusuot mong damit?”
“Iyang kay sir Renz, siya naman ang kausap ko kanina. Ibabalik ko na lang iyang pinadala ni sir Chris, nakakahiya talaga sa kaniya at nag-abala pa siya.”
Naghanda na ang dalawa at sabay na silang pumunta sa diamond building. Hindi sila dumaan sa red carpet dahil iyon ay para lamang sa mga artista at mayayamang negosyante na imbetado sa grand ball.
The place was star studded. Ang daming magagarang kotse ang nakapark sa labas ng building. Halos malula si Bree sa nakikitang karangyaan. Ito ang unang beses na nakakita siya ng maraming artista.
Ngayon niyang natanto ni Bree na may parte pala talaga sa mundo kung saan totoo ang mga ganitong klaseng tao. Mga tao na nabubuhay sa karangyaan. Samatalang may ma katulad din niya na nabubuhay lamang sa kaunting pera.
She sighed and darted inside the building. May isang entrance sila para sa mga empleyado. Nagpapaslamat na rin siya at hindi gaanong magarbo ang damit na pinadala ni sir Renz, ayaw ni Bree na makakuha ng atensyon lalo na’t may mga kasama siya sa marketing department na medyo mainit ang mata sa kaniya.
Nagpaalam si Chelle na hahanapin si miss Cindy. Nandito sila para sa trabaho. Hinanap kaagad ni Bree ang mga kasama sa team. She spotted miss Maila standing beside the projector. Nakasimangot ito habang kausap si Jandro na may kakaibang ngisi sa labi.
“Nandito na si Bree. Wow, ang ganda mo talaga, Bree. Halika dito, tabi tayo nang maambunan ako ng kagandahan mo, pati na rin ng s**o, bigyan mo ako.”
Nagtawanan ang mga kasamahan nila sa mga sinabi ni Olga. Para talaga itong clown, nakakatuwa ang mga sinasabi kahit na medyo may pagkabastos ang bibig nito.
Inilibot ni Bree ang tingin sa buong hall. Nagkalat ang mga artista at mayayamang tao sa lipunan.
Her eyes searched for that one person, but she can’t see him in the crowd. May speech ito mamaya kaya siguro hindi muna nagpapakita si sir Jax.
Bree wondered how Jax would look tonight. Ang guwapo na kasi nito kahit simpleng damit lang ang sinusuot nito. Minsan na niya itong nakitang nagsuot ng simpleng t-shirt at maong pants, at bagay na bagay dito ang ganoong klaseng porma. Naisip niyang mas lalo itong guguwapo sa mga okasyon na ganito.
She spotted Claire dela Fuerte, the famous beauty pageant title holder, kasama nito ang negosyanteng asawa na si Niu Altamirano. Kilala ni Bree ang mga ito dahil napakagara ng kasal nito at talagang televised pa.
She also spotted Elise Trinidad. Pero hindi nito kasama si Jax. She wondered where he would be right now.
Bree felt uneasy all of a sudden. Lumakas ang pagtibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Napakunot ang noo ni Bree. Pakiramdam niyia ay may nakatingin sa kaniya pero nang tumingin siya sa paligid ay wala siyang makitang tao na nakatingin sa kaniya. Everybody was busy with their own business.
She glanced at her teamates. Maging ang mga ito ay abala sa pakikipagbiruan at pakikipag-usap.
Muli siyang bumaling sa mga bisita. Hindi talaga puwedeng magkamali si Bree, alam niyang may naktatitig sa kaniya dahil nanindig ang mga balahibo niya sa likod ng kaniyang leeg.
She run her palms over her nape to ease away the feeling.
“Bree!” Nilingon niya si Jandro. Lumapit ito kay Bree at may dala itong dalawang baso. Ibinigay nito sa kaniya ang isa.
Gustog sana tumanggi ni Bree pero ayaw niyang magmukhang kill joy kaya tinanggap niya iyon.
“Thanks, Jandro.”
“Mag-enjoy ka rin, hindi lang naman trabaho ang pinunta natin dito. Imbetado kaya tayo kaya puwede natin uubusin ang alak dito.”
Gumuhit sa lalamunan ni Bree ang pait at tamis ng alak na inimun niya. Hindi sanay si Bree na uminum kaya unang lunok niya pa lang ay pakiramdam niya uminit kaagad ang mukha niya.
Sa muling pagdaan ng mga mata ni Bree sa dagat ng tao, hindi niya inasahan ang nakita.
Her breath hitched as she looked into the most soulful eyes she ever seen. Hindi magawang ibaling ni Bree ang kaniyang tingin sa iba.
Meters away from her, the mighty and handsome Jackson Samaniego stood larger than life. He wore a three-piece suit and his hair was styled like that of those seen at the movies. Nakatayo ito ito sa malayo, may lalaking kumakausap dito pero wala ang atensyon ni Jax sa lalaking dumadaldal sa tabi niya. His eyes were fixed on that one woman he was excited to see tonight.
He's a little bit disappointed when he saw her. Hindi kasi nito suot ang damit na pinadala niya. He thought that she can’t find something to wear for the event. Kaya nagdesisyon si Jackson na bigyan ito ng damit para magamit sa party. Though hid internal battles were long and painful, he still decided to send her something to wear. Only to be disappointed.
“Mr. Samaniego, this is my daughter Laura. She went to Paris last year to study modeling, and now she was featured as one of the models in our country’s hottest magazine.”
Matamis na ngumiti ang isang babae at inilahad nito ang kamay kay Jackson pero hindi iyon pinansin ng lalaki. His eyes were fixed to where Bree was standing.
Paano niya ba mapapansin ang babaeng nakatayo sa harap niya kung ang babaeng kanina pa hinanap ng mga mataq niya at nakatitig din sa kaniya.
Kahit na malayo ang dalaga ay alam ni Jackson na sa kaniya nakatingin ang babae. She was frozen there, and just like him, Jackson was so sure that she was also mesmerized by him.
“Mr. Samaniego.” Napukaw ang malalim na pag-iisip ni Jackson nang magsalita si Rex sa tabi niya. When he looked in front of him, a woman was holding her hand out for him.
Jackson accepted the woman’s hand and bought it to his lips to kiss before he excused himself.
“It’s nice to nice to meet you, miss. If you will excuse me, please.”
Hindi na hinintay ni Jackson ang sagot ng babae at nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon.
Nang makita niyang umalis si Bree sa kinatatayuan nito ay hindi nag-aksaya ng oras si Jackson, kaagad niya itong sinundan.
Whatever reason he had in mind as to why he followed Bree, he was sure that he will regret it later. Pero hindi niya palalamapasin na makita ng malapitan ang babae ngayon. She looked so beautiful even with that simple dress that she wore.
If she wore that red dress he chose for her, she would’ve stood out from the rest of the women inside that hall, Jackson was sure of that.
Jackson followed Bree when she exited the convention hall. Tinahak nito ang daan patungo sa isa sa mga washroom.
If that woman would enter that enclosed space, god forgive him, he might do something he surely know would regret later.
Pero walang pakialam si Jackson. Parang gusto na talaga niyang maniwala na isang witch ang babaeng ito.
She bewitched him effortlessly.