Chapter 2

1872 Words
Napatigil ako nang makita ang isang bugkos ng bulalak na nakapatong sa mesa ko. Rosas na kulay pula at napakaganda ng pagkaka-ayos nito, halatang mamahalin ang bouquet.     Napalinga ako sa buong silid, maaga pa at wala pa masyadong tao sa opisina. Alas-seite pa lng ng umaga at ako pa lang ang empleyado sa palapag na ‘to. Sinadya ko talaga na mag-maaga ngayon para ayusin ‘yung trabaho ko na palpla, nangako pa naman ako na personal kong kakausapin ang si Mr. Lao at humingi ng kapatawaran sa katangahan ko. Sana lang talaga at hindi kasing sungit ni sir Jax iyong si Mr. Lao.     “Sino naman kaya ang naglagay nito dito?” bulong ko. Nasa isang silid lang kami ni Chelle habang nasa kabila naman si miss Cindy, siya iyong Executive Secretary at kami ni Chelle ang kaniyang mga alalay.    Kinuha ko ang card na nakasabit at binasa iyon.     “Dear Bree, I hope this flower brightens up your day. Always smile, you have a very beautiful smile. Your secret admirer.” Napataas ang kilay ko sa nakasulat sa maliit na card. “Secret admirer? Sino naman iyon? Parang tanga lang.” Pang-ilang bulaklak na ba ito? Hindi ko na ‘ata mabilang, at sa totoo lang imbes na kiligin ako ay tila nakakatakot na.     Kinuha ko ang mga bulalak na nakapatong sa mesa ko at inilagay iyon sa isang mesa na bakante. Kung sino man ang admirer na iyon, wala akong oras para sa kaniya.     “Wow! Ang gara naman. Sa’yo to, Bree? Kanino galing?” Pumasok si Chelle at iyon kaagad ang bungad niya. “Pang-lima na ‘yan ngayong buwan, ha. Ang ganda mo, girl.” Lumapit ito sa mesa na pinaglagyan ko ng bulalak at kinuha ang card na nakasabit doon.    “Ewan ko kung kanino galing ‘yan. Nandito na ‘yan pagdating ko, ‘di ko alam kung sino naglagay.” Kibit-balikat kong sagot sa kaniya.     “Lakas talaga ng karisma mo, tingnan mo, o may secret admirer ka na rito. Magtatatlong buwan ka pa lang pero may mga nabihag ka nang mga adan.” Tumawa ito. “Mapap-sana all na lang talaga ako,” dagdag niya pa.     “Iyon na nga, sa lakas ng karisma ko, pati si sir ay pinagdiskitahan ako. Ewan ko do’n kung bakit ang init ng ulo niya sa akin.” Nakalabi kong tugon. “Pakiramdam ko literal na uusok iyong butas ng ilong niya kapag nakikita ako.”    “Baka naman umiinit ang ulo sa baba kaya init na init sayo?” Makahulugan nitong saad. Nagtaas-baba ang mga kilay nito at habang pinupukol ako ng malisyosong tingin.     “Hoy, tumahimik ka nga, kung ano-ano na lang lumalabas d’yan sa bibig mo. Baka may makarinig pa sa’yo.” Sita ko sa kan’ya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata, kung ano-ano na lang talaga lumalabas sa bibig ng babaeng ito, masyadong marumo mag-isip.     Imbes na tumigil ay malakas itong humalakhak na tila masayang-masaya siya sa reaksyon ko.    “Alam mo sa totoo lang, nakapagtataka nga talaga na ikaw iyong paborito ni sir Jax. Ang init niya sa’yo, girl. Ang sama palagi ng tingin niya sa’yo, e, ‘yung tingin na parang gigil na gigil siya sa’yo.” She even gestured like she’s about to bite something.     Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa mukha ko! Ito talaga si Chelle, dinudumihan ang utak ko!    “Ewan ko sa’yo. Puntahan ko lang si miss Cindy sa kabila.” Inirapan ko na lang siya para pagtakpan iyong pag-iinit ng mukha ko.     Mabilis akong tumalikod at lumabas na dahil baka ano na naman ang sabihin no’n. Pagkalabas ko pa lang ay sumalubong sa akin si sir Chris. Isa siya sa mga managing director ng kompanya. He's sir Jax cousin, but they have different personalities.     “Hi Bree! Kamusta?” magaang bati niya sa akin. His smile is very contagious. Kung si sir Jax ay palaging nakasimangot, ito namang si sir Chris ay parang clown.     Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. Isa siya sa may pinakaguwapong mukha na empleyado dito kaya naman nakakahiya na palagi siyang nakangiti kapag kausap ako.     Hoy! Lahat ningingitian ni sir Chris, hindi lang ikaw! Assuming ka masyado!    “Good morning, sir Chris.” mahinhin kong bati sa kan’ya. Diyos ko, paano ba ako kumilos sa harap nito? Nakakasilay ang kagwapohan!    “C’mon, just cut the formality, you can call me Chris. Saan ba ang punta mo?” mas lalong lumapad ang ngiti niya sa akin, mas lalo naman akong pinamulahan ng mukha. Iyong puso ko parang malalaglag na yata sa sobrang lakas ng tambol.     “A-ah, d’yan lang kay miss Cindy, pinapatawag kasi ako,” nauutal kong sagot sa kan’ya. Hindi kasi kaya ng sistema ko ang kagwapohan niya. Nakakahingal kapag kausap siya.     “Ah, gano’n ba. Sige, see you later, Bree.” Kumindat ito sa akin bago umalis.     Gusto na yata tumalon ng puso ko palabas ng ribcage. Iyong noo ko namamawis at iyong mukha ko alam kong pulang-pula na.     “Shit, ang guwapo talaga.” Parang gusto kong maihi sa kilig. Ilang beses akong nagbuga ng hangin para pakalmahin ang nagwawala kong puso. Sinigurado kong okay na ako bago ako pumasok sa opisina ni miss Cindy.     “Good morning po, miss Cindy.”     She was typing something in her laptop when I entered. She didn’t even spare me a glance when she spoke. Seryoso lamang itong nakatingin sa screen ng laptop niya, walang kangiti-ngiti. Bagay sila ni sir Jax na parehong mabigat ang mukha. Pero mabait naman si miss Cindy, hindi nga lang marunong ngumiti.     “Dalhin mo ‘to sa bahay ni Mr. Samaniego. He needed to sign those papers before noon. Dalhin mo pabalik ang mga iyan dito. Those were confidential files, don’t give that to anyone. Give it directly to Mr. Samaniego. We clear, Bree?”     “Po? Ako po ang magdadala n’yan sa bahay ni sir?” Hindi ko alam pero bigla na lamang akong kinabahan sa isiping makakapasok ako sa bahay ng amo naman. Ang alam ko kasi ay nag-iisa lamang si sir Jax sa tinitirhan niya. Since his wife died, he lived alone in a high-end subdivision.     Doon lang nag-angat ng tingin si miss Cindy sa akin. Napataas ang kilay nito. She eyed me with annoyance and disbelief.    “Namimili ka na ng trabaho, Bree?” Her tone was like challenging me.     Agad akong napailing sa kan’ya.     “Nako! Hindi po, miss Cindy. Sige po, dadalhin ko po ang mga ito.” Kinuha ko kaagad ang mga nakapatong na papeles sa lames niya. “Sige po, miss Cindy aalis na po ako.” Paalam ko sa kan’ya.     Nang makalabas na ako sa opisina ay nagpakawala ako ng mga mabibigat na hininga. Para kasing naninikip ang dibdib ko tindi ng kalabog nito. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Kung pinapapunta ka doon sa bahay ng amo mong ikaw ang paboritong pagalitan. Employee of the year ‘ata ako ngayong taon na ‘to.     “Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin! Nawa'y patnubayan n’yo po ang amo ko nang hindi ako aawayin mamaya.” Iyon na lamang ang nagawa ko, ang mag-dasal. Sana ay hindi iyon bad trip ngayon, dahil siguradong ako na naman ang trip no’n.     Pumara na ako ng taxi para magpahatid sa Exclusive Subdivision kung saan doon nakatira si Mr. Samaniego. Pagkapasok pa lang ng taxi ay halos umawang na ang bibig ko sa ganda ng lugar.     Naglalakihang mga bahay at ang linis!     “Grabe, ang ganda dito. Talagang pang-mayaman!” naibulalas ko.     Huminto kami sa isang malaking bahay. Nakapataas ng bakod. Tiningala ko ang bakod, talagang walang chance ang mga akyat-bahay dito. Pinapasok din kaagad ako ng guard nang makilala kung sino ako. Tumawag pala si miss Cindy at sinabing paparating ako para ihatid ang mga papeles ng pepermahan ni Mr. Samaniego.     “Pasok ka ma’am, nasa loob si sir Jax.”    “Salamat po, manong.”     Kung sa labas ay manghang-mangha na ako sa ganda ng mga bahay. Mas lalo akong namangha sa ganda ng bahay ni sir. Literal na napanganga ako sa laki no’n at ang ganda pa ng desinyo! May maliit na fountain na pinaliligiran ng mga bulalak.     “Ang sarap talaga maging mayaman.” Wala sa sarili kong saad. Napakaswerte naman ng babaeng mapupusuan ni sir, talagang magbubuhay reyna iyon dito.     Napakatahimik ng buong lugar at walang tao. Nagpalinga-linga ako baka mahanap ko si sir at nang maibigay na itong mga papeles. Mahigpit pa naman ang tugon ni miss Cindy na kay sir ko mismo ibigay ang mga ito. Mahirap na at baka talaga masisante na talaga ako kapag pumalpak pa ako dito.    “Sir? Mr.Samaniego? Si Bree po ito, sir. Dala ko na po  ‘yung mga papeles na ni-request n’yo kay miss Cindy.” Nakasarado ang front door. Sinubukan kong itulak iyon pero ang tigas.     Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan niya pero wala talagang sumasagot. Nang wala pa rin sumagot at nagdesisyon na akong humanap ng ibang pinto.     Nilibot ko ang kaliwang bahagi ng bahay, patungo iyon sa swimming pool. Nakabukas ang french door kay doon ako naglakas-loob na pumasok. Wala pa ring tao at napakatahimik ng buong bahay.     “Nandito kaya si sir? Baka mamaya mapagbintangan pa akong nagnakaw dito.”     Napahinto ako sa pagpasok nang bumungad sa akin ang magulong sala ng bahay ni sir. Nagkalat ang mga bote ng alak at ang mga upos na sigarilyo. Ang mga damit ay nakasablay kung saan-saan. I even spotted his underwear on the floor.     At sa isang mahabang sofa, nakahiga doon si Mr. Samaniego. Wala siyang damit pang-itaas kaya kitang-kita ko kung ganoon kaganda ang katawan niya.     Para akong naestatuwa dahil sa nasaksihan. Ang magandang katawan ni sir, nakabuyangyang sa harapan ko. Ang sarap!    I bit my lower as my eyes shamelessly raked his exposed body. His washboard abs were on full display. The slow rise and fall of his abs indicated that his in deep sleep. Ang isang braso niya ay nakapatong sa noo niya kaya kitang-kita kung gaano kaganda ang hubog ng braso nito.     Even in his sleep, his brows were knotted. Napakagwapo ni sir! Ngayon ko lang siya nakitang walang damit pang-itaas.     I slowly walked towards were he’s sleeping. Parang ang sarap hawakan ng katawan ni sir Jax! Kahit masungit siya ay masarap siya pa rin siya sa mga mata. Iyon ay kapag tulog, ewan ko lang kung magagawa ko itong titigan kapag gising. Siguradong matutusta ako sa sama ng tingin nito sa akin.     Bumaba ang tingin ko sa baywang niya, at pababa pa. Nakabukas ang butones ng slacks nito at ang umbok! May malaking umbok! Ang laki naman yata niyan? Para kiniliti ang katawan ko habang sumasayaw sa utak ko kung gaano iyon kalaki.    Diyos ko! Nagiging manyak na yata ako!    Umiling na lamang ako sa mga pinag-iisip ko. Lilinisin ko na lang ang mga kalat dito habang hindi pa nagigising si sir. Ang bilin ni miss Cindy ay dadalhin ko ang mga ito pabalik kaya hindi ko puwedeng iwan.   Baka puwede rin ako magluto ng pagkain para kay sir? Para matuwa naman siya sa akin at hindi na ako pag-iinitan sa opisina.     Napangiti ako sa naisip. Tama, lulutuan ko na lang siya ng masarap na pagkain.       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD