Walang gana na nakatitig si Bree sa chocolate moist cake na nasa maliit ma pinggan. Panay ang salita ni Chelle na nakaupo sa harap niya pero wala doon ang atensyon ng dalaga. Nasa canteen ang dalawa para mag-snack. It's their break time and the two decided to eat in the canteen. ''Hoy! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Wala ka yata sa katinuan, girl? Noong nakaraang araw ko pa napapansin iyan!'' Gulat na nag-angat ng tingin si Bree sa kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang topic nito. Nagulat na lamang si Bree sa pagtaas ng boses nito. Nagbuga ng isang mabigat na buntong-hininga si Bree at walang ganang yumuko sa mesa. Hindi sinagot ang mga katanungan ni Chelle. ''Hoy! Naano ka d'yan? Para itong tanga,'' saad ni Chelle. Hinampas pa nito ang nakalaylay na balikat no Bree. ''Wal