Napangiwi si Bree sa hapdi nang ilapat ni Tyler ang bulak na may disinfectant. Ang gusto ng ina ni Jackson ay dalhin ang dalaga sa ospital para matingnan ng maigi pero tumaggi si Bree. Masyado na niyang naabala ang mag-ina at ayaw niyang makita sa publiko na ganoon ang itsura. Siguradong maraming makakakilala sa kaniya dahil na rin sa viral na video na kumakalat. “Hija, sigurado ka bang ayaw mo dalhin ka namin sa ospital? Your wounds needs to be checked. The doctors have to run tests so that we’ll know if you’re really okay.” Bakas pa rin sa mukha ng ginang ang pag-aalala. Si Tyler ang naglinis sa mga sugat ni Bree. Magaan ang kamay nito at nahihiya si Bree dahil malaking abala ang binigay niya sa dalawa. “This will really hurt. Can you endure it? It will be quick.” Matipid na