Habang nagsasalita ang isang babae sa harap ng mga shareholders ay wala doon ang isip ni Bree. Lumilipad iyon sa gabing nalasing siya sa Spartan. Pilit na hinahagilap ni Bree sa memorya niya ang mga pangyayari ng gabing iyon. She got drunk that’s why a part of her memory was not clear. Her eyes searched for the man named Andrei. Napalunok si Bree dahil nang magtagpo ang mga mata nila ay nakatitig ito sa kaniya at may mapaglarong ngiti ang nakaukit sa gilid ng mga labi nito. It was like he knew something she doesn’t. Mas lalo lamang hindi mapakali si Bree. She's sure this man knew something. Ayaw lang nitong magsalita o baka may pumipigil dito na magsalita. Her eyes flew to where the CEO was sitting. Bree silently gasped when she saw how intense Jackson Samaniego stared at her. Hin