CHAPTER 6: MMWA
YUNIKA's P.O.V
Nang matapos ang practice namin ay nagpunta kami sa locker room namin dahil ngayong araw na ang simula ng training namin sa bawat sports. Nauna nga lang ang swimming training kaya nagpunta kami ni Akesiah pareho sa locker room para magpalit ng swimming uniform namin na swimsuit.
Dahil mas may laman ako sa kanya ay proud akong napatingin sa sarili ko sa salamin dahil nailabas ko na rin ang sexy kong body hihi. Sinuot ko na ang swim cap ko at napatingin ako kay Akesiah na nakatingin sa katawan ko kaya lumapit ako sa kanya habang sinusuot ang wardrobe ko.
“Akesiah iyong laway mo.” sabi ko saka ngumisi sa kanya.
"Hmm, let's say na sexy ka nga kaya di na ‘ko lalaban pero sana maipakita mo sakin na kaya mo ‘kong angatan." nakangiti din na sabi nya sakin saka ko nilagpasan.
Naikuyom ko ang kamao ko saka ko sumunod sa kanya na pumunta sa training pool.
May iba kaming kasamang section na magti-train kaya yung crowd ay napuno ng iba't-ibang section. Nakaramdam ako ng kaba dahil matagal na din bago ko nakapagtrain sa paglangoy.
"Okay girls get ready! Titingnan natin kung sino ang mas mabilis lumangoy na maipapambato natin sa Sport fest, dalawa ang mapipili kaya give your best." wika ng coach naming kaya lalong kumabog ang dibdib ko.
Sabay-sabay kaming naghubad ng robe saka pumatong sa starting line. Napatingin ako sa crowd at nakita kong nakatingin sa ‘kin sila Lucan, Rigo at Wieran.
WIERAN's P.O.V
Narinig ko ang sobrang ingay sa crowd dahil nakita na nilang maguumpisa na ang training sa Swimming.
Di ko alam kung bakit kinakabahan din ako kasi pakiramdam ko ay malabong matalo ni Yunika si Akesiah.
"Ang sexy pala nung transferee sa Section B-2 noh dre?" turan nung lalaking katabi ko kaya naikuyom ko ang kamao ko.
Oo, ‘di ko maitatangging sexy nga si Yunika at mas sexy pa s’ya kay Akesiah dahil diretso lang ang shape nang katawan ni Akesiah habang si Yunika naman ay may kurba kaya nga naiinis ako dahil hindi s’ya nakinig sa ‘kin na ‘wag ng sumali dito.
"Pag nagkaroon ako ng chance liligawan ko talaga ‘yun kasi ang ganda n’ya talaga sexy pa." sabi pa ng isa. Kaya naman kunot noong napatingin ako sa kanila.
"Pero ang sabi ng ibang kaklase natin hindi daw katalinuhan ‘yan eh!" sabi naman nung isa kaya napatayo na ‘ko sa upuan ko dahilan para mapatingin sila sa ‘kin.
"Alam niyo bang ang ingay n’yo? Kung magtsi-tsismisan kayo dun kayo sa labas! Isa pa hindi bobita ang babaeng ‘yon! Matalino s’ya sa ibang paraan kaya wag n’yo na s’yang pag-uusapan kung ayaw n’yong sipain ko kayo palabas!" mariing turan ko sa kanila saka bumalik sa pagkakaupo.
"Uy Dude! Di mo sinabi samin na tinamaan ka na pala kay Matador ah!" nang-aasar na sabi ni Lucan sakin kaya binatukan ko naman s’ya saka salubong ang kilay na tiningnan sila.
"Manahimik ka na, ayoko lang talaga ng maingay dahil di ako makapanood ng maayos! Wag kayo mag-isip ng kung ano diyan!" sabi ko saka tumingin kila Yunika.
Nagsimula ng pumito ang coach nila saka sila sabay-sabay na lumusong sa tubig! Nakita ko na naghabulan si Akesiah at Yunika dahil halos pareho silang nangunguna sa lahat. Mabilis naman silang bumaligtad sa tubig para bumalik sa starting line! Malapit na silang makarating pareho ng mas naunahan ni Akesiah si Yunika kaya ang nangyari ay nagsecond place si Yunika. Nakita ko pa kung paanong nagtinginan ang dalawa ng umahon sila. Kasabay naman nun ay padabog na naupo si Yunika sa bench at parang maiiyak na s’ya anumang oras kaya tumayo ako para puntahan s’ya. Kumuha ako ng towel sa comfort room saka naglakad papunta sa kanya ng makita kong isasabit na sana ni Lucan kay Yunika ang towel na hawak nito. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila saka ko tinanggal ang towel na sinabit ni Lucan at pinahawak sa kanya ‘yon saka ko sinabit sa balikat ni Yunika ang towel na hawak ko.
Nakita ko na napangiti s’ya at namula ang mga pisngi niyang nakatingin sa ‘kin.
Seryoso akong tumingin sa kanya saka nagsalita.
"Second place man ang nakuha mo, para sakin first place at ikaw ang panalo." sabi ko saka marahang ngumiti.
---
YUNIKA's P.O.V
Nang makabihis na ‘ko sa locker room ay nakita kong ang sama ng tingin sa ‘kin ni Akesiah dahil alam kong nakita n’ya ako na hinatid ni Wieran dito. Di ko na naman napigilang mapangiti dahil sa ginawa ni Wieran.
"Alam mo bang girlfriend daw ni Wieran si Yunika?" narinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko.
Nagbubulungan lang sila pero narinig ko pa pa din, kaya naman napangiti na naman ako, basta talaga pangalan ni Wieran di ko maiwasang hindi mapangiti.
"Talaga ba? Sayang naman crush ko pa naman si Wieran." sabi naman nung isa.
Sinulyapan ko sila saka ko ngumiti at lumabas ng locker room. Matapos nun ay pumunta kami sa court dahil i-aanunsiyo na ang ilalaban sa sport fest.
"Good morning students! Pinatawag namin kayong lahat dahil ngayong araw mismo ay i-aanunsiyo na namin ang lalaban sa sportfest sa Swimming Competition, and we have two representatives." sabi ng emcee.
Kinakabahan akong napatingin sa mga katabi kong sila Lucan, Rigo at Wieran na nananatiling nakikinig sa announcement.
"And our representatives are Ms. Akesiah Vienna our gold medalist awardee, and our new representative Ms. Yunika Matador! Let's give them a round of applause!" sabi pa ng emcee saka kami pinaakyat ng stage para magbigay ng message.
"Good morning everyone, I am Akesiah Vienna the gold medalist awardee of swimming competition at narito ako muli sa inyong harapan para sabihin sa inyong bibigyan ko ulit ng parangal ang school na 'to para mas makilala ang school natin! I will give my best and thankyou for your full support!" sabi ni Akesiah dahilan para magpalakpakan ang mga studyante sa court at pinagsigawan ang pangalan n’ya.
Nang matapos s’ya sa speech n’ya ay agad akong lumapit sa microphone saka kinakabahang napatingin sa paligid at nakita kong titig na titig sa ‘kin si Wieran at pakiramdam ko ay kami lang dalawa ang tao sa paligid.
"Magandang araw sa inyong lahat, ako nga pala si Yunika Matador ang bago ninyong representative sa swimming competition at gusto ko lang sabihin sa inyo na kaya ko napili dahil nagpursigi akong makuha ang katayuan ko! Ginawa ko ito para sa lalaking nagsilbing inspirasyon ko at nangangako ako na hangga't nandyan s’ya sa tabi ko ay magagawa ko pa ang mga bagay na sobra pa sa inaasahan n’yo. Dahil hangga't nandyan s’ya gagawin ko lahat para maging champion ako sa paningin n’ya at sa paningin n’yong lahat! Hindi man ako ang the best sa inyong mga mata magiging better naman ako sa pagdadala ng award sa school na 'to kaya fighting!" sabi ko kasabay ng malakas na hiyawan ng mga studyante dahilan para makita kong napangiti si Wieran.
***
Matapos ng announcement sa court ay agad kaming pinabalik sa room at dahil absent ang teacher namin ay si Wieran ang pinagkolekta ng mga textbook kaya ng magsiuwian na kami ay sinundan ko s’ya sa faculty room. Nakita ko siyang nagsasalansan sa table ng teacher namin kaya pumasok ako sa loob at sinarado ang pintuan dahilan para mapalingon s’ya sa ‘kin.
Gulat akong napatingin sa kanya ng tumakbo s’ya palapit sa pintuan at pinilit na buksan ‘yun kaya nakaramdam na din ako ng kaba!
"W-wieran b-bakit?" kinakabahang tanong ko.
"Sira ang pintuan na 'to sa loob kasi kusang nalo-lock sa labas 'to kaya makukulong tayo!" sabi n’ya dahilan para mapaupo ako sa sahig dahil nanghina ang mga tuhod ko!
S-shet! Ano na ang mangyayari sa ‘min ngayong pareho kaming nakulong dito?!
Natatakot ako wala pa namang ilaw dito!
---