CHAPTER 3: MMWA
YUNIKA's P.O.V
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Agad akong naglakad sa hallway ng makita kong may dalawang babaeng nag-uusap.
"Sigurado kang magbibigay ka ng love letter kay Wieran?" nakangiting tanong nung isang babae.
"Oo best! Ang gwapo nya talaga at ang talino pa!" sabi naman nung babaeng assumera.
Psh! Agad akong lumapit sakanila saka sila tinigilan sa harapan nila. Tiningnan ko silang dalawa saka nagtaas ng kilay.
"Hep-hep! Asan ang love letter?" nakapamewang na sabi ko sa kanila.
"Bat ko naman ibibigay sayo ikaw ba si Wieran?" sabi nito sakin.
"Hindi ako si Wieran pero girlfriend nya ako kaya akin na ang love letter!" sabi ko at nakita ko namang napatawa ang babae.
"Sinong may sabi? Eh wala ngang girlfriend yun si Wieran eh!" sabi nung babae saka ko nilagpasan ng dalawa.
Nagpapadyak akong tiningnan ang dalawa saka padabog na humabol sa kanila sa room dahil saktong papasok na si Wieran sa room namin ng harangin sya ng dalawa.
"Wieran! Wieran! Ako nga pala si Casey, at sya naman si Ryka may ibibigay daw sya sayo." nakangiting sabi nung Casey sa kanya.
Nakita ko namang kunot-noong napatingin si Wieran kay Ryka at may inilabas itong pink envelope.
Sa inis ko ay naglakad ako papasok sa room ng marinig kong magsalita si Wieran.
"Sorry di ako natanggap nang love letters eh... magagalit kasi ang girlfriend ko." sabi ni Wieran kaya napaharap ako sa kanila.
"E-eh sino naman?" takang tanong ni Ryka.
"Siya." sabi ni Wieran saka tumingin sakin.
*Dug-Dug!*
Kyah! A-ako ba ang tinutukoy ni Wieran? Hala weh?!
"Sige una na ‘ko." sabi ni Wieran saka ako nilagpasan at saka sya naunang maupo sa seat nya.
Dali-dali akong umupo sa seat ko saka ko naupo sa tabi ni Wieran.
Akmang hahawakan ko na sya ng makita kong kunot-noong napatitig sya sa kamay ko kaya napapahiyang nilayo ko yun.
"W-wieran? Ako ba yung tinutukoy mong girlfriend mo?" sabi ko sa kanya.
"Mmm… bakit may problema ba?" tanong niya kaya naman napakagat labi ako habang nagpipigil nang ngiti.
"So ibig sabihin tayo na?" pabebeng sabi ko sa kanya nakita ko namang napangisi sya ng bahagya.
"Ba’t naman, gusto ba kita?" sabi niya kaya naman napasimangot ako.
"Eh sabi mo kasi sakanila girlfriend mo ko eh!" sabi ko sa kanya.
"Oo sinabi ko ‘yun para tigilan na nila ko kaya pwede bang bumalik kana sa seat mo dahil mag-aaral pa ‘ko." sabi nya kaya bagsak ang balikat na napatayo akong bumalik sa seat ko.
Kasabay ng pagpasok nila Lucan at Rigo. Narinig kong tinawag nila ko pero lutang na lutang ako.
Nagsimula ang klase at parang walang napasok sa tenga ko. Nilaro ko ang ballpen ko at saka napayuko.
"Ms. Matador!" tawag sakin ng science professor namin kaya kinakabahang napatayo ako.
"P-po? Ma'am?" tanong ko at nakita ko naman na seryosong nakatingin ito sakin.
"Halatang hindi ka nakikinig! Sagutin mo ang tanong ko!" sabi ni ma'am saka muling nagsalita.
"What blood components intricate network of hollow tubes that transport blood throughout the human body? This is made up of layers of connective tissues and muscles so what's the answer Ms. Matador?" tanong ni ma'am.
Nakaramdam nako ng kaba dahil lahat ng kaklase ko sakin nakatingin. Napalingon ako kay Lucan at nagkibit balikat ito sakin kaya napapikit ako ng mariin.
"Ms. Matador?" Sabi ni ma'am.
"P-plasma ma'am?" sagot ko at nagulat ako ng ibagsak ni ma'am chalk eraser.
"Ms. Matador?! Are you not a human? Parte nang katawan mo di mo alam kung paano dumadaloy sa katawan mo ang dugo mo?! Ano ba namang klaseng istudyante ka! Pumapasok ka sa school pero di ka nakikinig, anyone answer?" sabi ni ma'am kaya napayuko at napalingon ng makita kong nagtaas ng kamay si Wieran.
"Yes Mr. Xivir?" Sabi ni ma'am.
"Blood vessels ma'am and there are three types of blood vessels, the Arteries that transport blood away from the heart and the second one is Capillaries, fluid and gas exchange between capillaries and body tissues take place at capillary beds and the last one is Veins that are elastic vessels that carries blood from capillaries back to the heart." mahabang lintanya ni Wieran dahilan para lahat kami mapanganga. Nagulat ako ng palakpakan sya ni ma'am.
"Very good, Mr. Xivir! I'm glad that I have a smart student like you, okay class dismissed!" sabi ni ma'am saka lumabas ng room.
Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko at napalingon kay Wieran.
"Alam mo ang swerte mo niligtas ka ni Wieran mula kay Mrs. Amantes, tsk tsk!" sabi ni Lucan kaya napalingon ako sa kanya.
I-ibig sabihin ginawa ni Wieran yun para sakin?! H-hala patayin nyo na ko maygad!
***
"Good morning class! Today we’re having our first long test! I'll give the test papers and pass it to your classmates!" sabi ni Mrs. Sanchez kaya kabado akong napatingin sa test paper na hawak ko.
"Passing score is 45 at kapag bumagsak kayo magrereport kayo bukas!" sabi pa ni ma'am.
"Hala... A-ayoko pa naman magreport." sabi ko saka napalingon kila Lucan at Rigo na halatang namomroblema din. Napasulyap ako kay Wieran na parang relax na relax lang habang nagsasagot.
Nagsimula na ako sa pagsusulat ng pangalan ko at binasa ang mga tanong pero sa mga tanong ay isa palang ang nasasagutan ko. Nakita ko ring busy si ma'am sa harap kaya naman napalingon ako sa mga katabi ko nawala pa ding naisasagot. Napayuko ako sa table ko at napatingin ako kay Wieran ng makita kong nakatingin din sya sakin. Kunot ang noo nito pero ang gwapo nya pa din at nagulat ako ng hilahin nya ang test paper ko at pinalit ang test paper nya. Sumenyas sya sakin na hawakan ko ang paper nya saka siya tumingin sa paper ko sinagutan yun. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko at nagtakip ng mukha dahil sa pagpipigil ng kilig!
Natapos ang pagsasagot nya sa papel at saka nya kinuha ang paper niya at saka binalik ang akin.
"Pakopya!" Bulong sakin ni Lucan kaya nilabas ko ang dila ko saka ngumisi sa kanya saka niyakap ang test paper ko.
"Ang damot!" nakangusong sabi nya saka nagsagot ulit kaya tumawa ako ng mahina saka muling napatingin kay Wieran na nakamasid na sa labas.
'Wieran... Lalo mo akong pinapakilig at dahil dyan magpupursigi akong magpacharm sayo para mahulog din ang loob mo sakin.' sabi ko sa isip-isip ko.
"Pass your papers!" sabi ni ma'am saka ko pinasa ang paper ko.
Napatingin ako kay Wieran na nakatingin din sakin saka ko ngumiti.
"Thank you!" bulong ko at tinanguan nya naman ako.
Naghintay kami ng ilang saglit at nagulat ako ng tawagin ako ni Mrs. Sanchez.
"Ms. Matador, this is unbelievable! You got 47 in your test while Mr. Xivir got perfect score, good job and well done! Class dismissed!" sabi ni ma'am saka lumabas ng room.
Waaaah! Thanks talaga kay Wieran! Buti nalang at mabait sakin si Crush, Hihi!
"Unique sabay kana samin mag lunch!" anyaya sakin ni Rigo kaya ngumiti naman ako saka tumango.
Nauna nang maglakad si Wieran samin kaya naman sumunod nako sa kanila at pagdating namin sa canteen ay um-order ako ng burger saka naupo sa table namin.
"Matador? Ba’t yan lang ang kinakain mo?" tanong ni Lucan sakin.
"W-wala pa kasi akong allowance eh alam nyo na nagtitipid pa ‘ko." sabi ko sa kanila saka muling sumubo ng burger ko.
"Ganun? Teka dyan ka lang at bibilhan kita ng rice!" sabi ni Lucan pero bago pa sya tumayo ay nagulat kaming napatingin kay Wieran na naglapag ng tray sa harapan ko.
"Yan ang kainin mo kasi di ka mabubusog sa paburger-burger mo." seryosong sabi ni Wieran saka sumubo ng pagkain.
*Dug-Dug*
*Dug-Dug*
Shit!
"KYAAAAAAAHHHHH!" tili ko dahilan para pagtinginan ako ng mga studyante sa canteen at nang makita ko na bahagyang napangiti si Wieran at muling sumeryoso at nagfocus sa pagkain.
Waaah sana di na matapos to!
---