MAURITIUS POV. MATAAS ang lagnat ni Princess at nag-aalala na ako sa kanya. Mula pa kahapon ay hindi pa rin nagbabago ang temperature. At ang tanging nagagawa ko lamang ay ang punasan ng basang tela ang kanyang katawan. Kaya naman ay para na rin akong may lagnat dahil sa kakaibang init na nararamdaman. Lalo pa at halos nakabilad sa aking mga mata ang kaakit-akit niyang katawan. Lahat na yata ng pagtitimpi ay aking ginawa upang hindi lang makagawa ng mali. Dahil alam kong mas’ mawawalan ako ng pag-asa sa kanya kapag sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakasiguro din akong kakamuhian niya kapag hinayaan kong kumawala ang aking pagnanasa. Ilang beses din akong nagtungo sa reception upang makiusap na bigyan nila ako ng gamot. Ngunit wala na raw silang stocks. Naibigay na rin daw nila sa ibang