MAURITIUS POV. NOONG sabihin ng mga doctor na mahihirapan kaming magkaroon ng anak ni Kyla ay hindi ako sumuko. Bagkus ay humanap ako ng paraan, kahit sa mga albularyo ay nagtungo ako. Marami silang binigay sa akin na halamang gamot at twice a day ko yon pinaiinom sa aking asawa. Gano’n din ang research na mga gamot ng kapatid kon si Doc. Aljon. Hanggang dumating ang oras na nahanapan namin ng paraan. Yon nga lang bumilang ng taon bago kami biniyayaan ng anak. Ngayon nga ay limang buwan na siya sa tiyan ng aking asawa. Kaya naman ay lagi akong nakabantay sa aking mag-ina. Hindi ko iniinda ang mga ginagawa sa akin ni Kyla. Ang makita kong nasa maayos sila ng aming anak sa kanyang sinapupunan ay sapat na sa akin. Kaya nang sabihin sa akin ni Kyla na kailangan raw niya akong paliguan upan