ALJON POV. AYAW kong basta paniwalaan ang aking nalaman. Ngunit magmula ng araw na yon ay hindi na ako mapalagay. Ang babaeng aking pinapangarap ay may problema sa ovary. Pero syempre gagawin ko naman ang lahat upang gumaling siya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maalala ang bilin ng aking Mama. Hanapin ko raw ang doktor na siyang nagbigay ng panibagong buhay sa akin. At kung meron itong anak na babae ay siya dapat ang aking mapangasawa. Noong una ay tinatawanan ko lamang si Mama. Ngunit ng ma-met ko si Dra. Poster Montemayor. Gano'n na lamang ang paghahangad kong maging pangalawa ko siyang ina. Ang hindi ko inaasahan ay nang makita ang anak niya na si Kyla. Noon pa lamang ay sinasabi ko na sa aking sarili na siya ang babaeng para sa akin. “Dr. Herrera, naroon sa parking ang iyong crush