Ilang beses kong tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Kanina ko inaabangaan ang oras ng pag-uwi ni David. Kaninang umaga nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Wala rin siyang text sa akin. Iniisip ko tuloy kung nagalit siya dahil hindi ko siya pinagbigyan kagabi. Kagabi nang magising ako ay hinahalikan niya ang leeg ko. Nakataas na rin ang suot kong damit at hinihila niya pababa ang short ko. Ang akala niya ay papayag ako sa gusto niya pero nagulat siya nang tanggihan ko siya. Hindi kasi ako tumatanggi sa kanya sa tuwing gusto niyang makipagtalik sa akin. Yung nangyari kagabi ang unang beses na tumanggi ako sa kanya. Wala na akong ibang maisip na dahilan para magalit siya sa akin. Lumabas ako ng kuwarto upang tanungin ang magulang damit. Hangga't maaari sana ay ayokong