Chapter 20 INILIBOT ni Helena ang mga mata sa kabuuan ng condo unit ni Iggy, mula sa sahig hanggang sa maganda nitong kisame. Lalaki talaga ang may-ari nito, halata niya. Bakit? Wala man lang mga dibisyon. Nakikita na kaagad niya ang malaking kama na tingin pa lang niya ay napakalabot na. May kusina, island counter at mga gamit pero duda siya kung nagagamit ba talaga. May sofa at kung anu-ano pa. At napapaisip siya kung ilang babae na ang dinala nito rito. Baka higit ng isang daan. At sa isang daan na iyon, ilan kaya ang ginamit nito na tulad sa kanyang walang proteksyon? “Kumain ka na ba, Helena?” Tanong nito sa kanya. “Opo, Sir.” “Call me Iggy when it is just the two of us. Wala tayo sa office ngayon.” Naghubad ito ng coat at isinampay sa armrest ng sofa. “Sit down. Para kang inte

