Chapter 17 KUMURAP si Helena sa magandang lalaki na pumasok sa elevator. Agad niyang naitago ang kanyang cellphone. “Good morning, Sir,” she politely smiled at the man. Ngumiti ito at tumango. She wanted to say that the elevator is privately used by the CEO only. “Saan po ang punta natin, Sir?” “To Iggy.” “Ay sige po,” aniya naman at saka humarap sa mga buton. “He hired an operator in his private lift? That's so unusual,” anito. “Opo. Nasa regular po ako dati.” “Really? Mas lalong nakapagtataka kung bakit inilapit ka sa kanya ng babaero kong kaibigan,” natatawa nitong sabi kaya ngumiti lang siya. It was clearly stated that Juan Miguel is a womanizer. On the contrary, gwapo naman kasi ang lalaki talaga. Natural na hahabulin iyon ng mga kababaihan dahil makapal din ang bulsa. Kung

