Chapter 27 PINANDILATAN ni Helena ng mga mata si Iggy nang bumaba pa ito ng sasakyan. Inabutan ito ng payong ng isa sa mga tauhan. “Huwag ka ng sumama sa akin. Makikita ka na naman ng mga tao,” gigil na bulong niya sa lalaki. “So? You don't really listen to me. I think you deserve to be punished in a way that you will never forget what I am telling you.” “Kasi may bago na naman silang pag-uusapan, sa halip na wala na sana. Siguradong makakarating agad ito kay ninang. May reporter dito, at sa dami nila ay hindi ko alam kung sino. Baka nga iyong kapitbahay lang namin,” daldal niya habang nagma-martsa sa daan. “Dapat ay hininaan mo ang ungol mo,” sagot ni Iggy sa kanya kaya pinukol niya ito ng masamang tingin dahil nakangiti ito. “Nakakatawa,” papairap na sagot niya rito. Nakaramdam na

