"Mabuti pa Zion, kuhain mo ang gitara mo at ng makapag-jamming naman kayo ni Sailor," wika ni Dylan kay Zion. "Naku, nakakahiya naman po Kuya hindi pa po ako masyadong marunong," nahihiyang wika niya dito. "Sige na Sailor, pagbigyan mo na si Kuya ha gusto kong makita kang tumugtog at marinig kang kumanta," nakangiti namang wika nito, nahiya tuloy siyang magpilit pa na tumanggi. Tumalima naman si Zion, ilang sandali lamang ei dala-dala na nito ang dalawang gitara. Isang bass guitar at acoustic guitar ang dala-dala nito. Iniabot nito sa kanya ang acoustic guitar at dito naman ang bass guitar. "Aba, nakakatuwa naman anak, marunong ka palang tumugtog niyan? Naku, talagang magkakasundo kayo nitong si Zion dahil hilig niya talaga. Ito namang Kuya mo ei tamang pakikinig at pagsabay laman