Matapos ang kasal nagtungo na sila sa reception at doon masayang nagsalo-salo ang lahat. May mga pamahiin pa na ginawa ang kanyang Mommy at Nanay Salud, sumunod na lamang sila para din naman iyon sa kanila. Matapos ang masayang kainan, katulad ng mga tradisyonal na kasalanan. Nagkaron din ng pasayaw ang mga ikinasal. Sumayaw sila sa saliw ng isang awiting parating naririnig sa mga kasalan, at iyon ang 'Pantomina'. Kanya-kanya ang turok ng pera sa kanilang kasuotan habang sumasayaw. Hindi naman mawala-wala ang ngiti sa labi nilang mag-asawa. Maging ang mga bisitang aliw na aliw sa panonood ng pagsasayaw nila. Syempre hindi pahuhuli ang kanilang dating mga classmate sa pagturok ng pera. Lalo na ang kanilang mga kumare na ninang ng kanilang mga anak. Talagang maligaya din ang mga ito para s