Natatawa na lamang siya sa itsura ni Ace habang kumakain, nakakunot noo ito at ang lalaki ng subo animo minamadaling maubos ang pagkain nito. "Sailor, bilisan mong kumain may ginagwa pa tayo diba? Dapat nating matapos iyon para naman maging okey na ang lahat, diba?" wika nito. "Aba ei ano ba ang tinatapos ninyong dalawa? Aba dapat nagpapahinga ka na muna anak ko Sailor dahil mas mahirap kapag mabaynat ka," sabat ni Nanay Salud. "Ahhmm, wala naman po iyon Nanay may inaayos lamang po kami sa kwarto. Tsaka po n-naglilinis na rin po kami para naman po hindi kana po mahirapan pa," wika naman niya dito. "Naku ano ba iyong inaayos ninyo at ng kayo ay matulungan ko na," wika ng matandang walang kamuwang-muwang sa kababalaghang ginagawa nila sa kwarto. Muntik na tuloy maibuga ni Sailor ang i