Marahil ito na ang pinakamalungkot na araw ng buhay Ni Mayor Legazpi dahil inihatid na niya sa huling hantungan ang kanyang asawa at anak.. Marami ang nakiramay sakanya. Halos hindi mahulugang karayom ang mga tao sa libing ng kanyang asawa at anak. May ibat ibang pulitiko din ang nakiramay. Mayroon din media coverage na nagbabalita sa buong pilipinas ng mga pangyayaring iyon sa green heavens park cemetery. Tahimik lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawang pinakamamahal niyang mga babae na inililibing. Naubos na ang kanyang luha ngunit ang kanyang puso ay nagdurusa at nagluluksa padin. Hangang sa matapos ang paglilibing nanatili lang siyang nakatulala sa puntod ng mga ito. Marami ang lumapit sakanya upang makiramay sa kanyang pagdadalamhati ngunit nakatulala lamang siya "Mayor