Maagang pumasok si Ashley kinabukasan. Dahil madami siyang hindi natapos gawin dahil sa maaga niyang pag uwi kahapon. Mabuti nalang at napaki-usapan na niya si Joshua na huwag na itong mag xerox copy sa city hall. Hinatid nalamang siya nito sa city hall at umalis na din agad upang pumasok sa opisina nito Napangiti siya dahil buong gabi sila nagromansahan ng kanyang nobyo. Pakanta kanta pa siya habang nagbubukas siya ng kanyang computer. Siya palang ang tao sa opisina nila dahil napaaga ang pasok niya "Mukhang masaya ka ah" "Ay kabayo!" Nagulat kasi siya sa biglang nagsalita sa likod niya Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Rowel ginulat mo naman ako" "Nagulat ba kita?" Napakunot ang nuo niya dahil kakaiba din ang ngiti nito "Oo.. Akala ko kasi ako palang ang tao dito.. Bakit