"'Nay Flor, Tatay Kiko at Carla," nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila pero mas pinakatitigan ko ang kapatid ko dahil s'ya lang naman ang OA sa amin. "Oh, 'nak? Ano bang sasabihin mo? Kinakabahan na kami, ah?" saad ni Nanay Flor na nakahawak na ngayon sa kaniyang dibdib saka hinalo sa likod si Tatay Kiko na nasa process pa rin ng pagpapagaling n'ya. "Ano ba 'yan, Mia! Sabihin mo na!" Nagpadyak na bulalas ni Carla. Kagat-kagat n'ya ang kuko nito sa thumb n'ya. She always does this whenever she's nervous. "Heto na! Heto na! Relax ka lang diyan!" Nininerbyos na rin na bulalas ko. Gosh, ang alam ko, noon ay wala akong nerbyos, pero nang dahil sa babaeng 'to nagkaroon na ako. Sobrang nakakahawa pala ang ganito. Bumuga ako nang malalim na hininga saka isiniwalat na nga ang bago kong