CHAPTER 12: HALATA ANG EXCITEMENT SA MGA MUKHA ni Jessy at Kristian habang nasa byahe kami papuntang mall. Hindi magkamayaw sa kakukuwento si Jessy tungkol sa trailer ng panunuorin naming film. "Mukhang matagal mong hinintay 'yan ah?" sabat ni Andrew na nakikisawsaw para lang hindi magmukhang out of place. "In-announce pa lang ang tungkol sa casts, nakaabang na kaagad ako. Maybe a year and a half ago?" patanong na tiningnan ako ni Jessy. Tumango ako at saktong dumaan naman ang jeep sa isang humps. Kaya napahawak ako sa binti ni Andrew. Nanlaki ang mga mata namin pareho nang dahil sa gulat. Unti-unting namula ang magkabila niyang pisngi kahit na moreno ang balat niya. Habang ako ay nag-iwas ng tingin at ibinaling ang atensyon kila Jessy. Mabuti na lang at mukhang hindi naman kami nak

