Chapter 74: Black Against Shadow

2186 Words

NAKAHANDA at seryoso ang magkalabang Echiro at Rio habang hawak-hawak ang nagyeyelo at nag-aapoy nilang espada. Saglit silang nagtinginan at kasunod niyon ay bigla sinugod ang isa't isa. Nagbanggaan ang kanilang mga sandata! Umalpas mula sa kinatatayuan nila ang may kalakasang hangin. Kumalat sa hangin ang apoy at mga tumalsik na yelo. Seryoso silang nagtitigan habang nagbubuno ng lakas gamit ang kanilang espada. Niluwagan bigla ni Echiro ang kanyang pwersa at bahagyang umatras. Umabante naman si Rio dahil ang akala nito'y nakakalamang na rito. Dahil tuloy doon ay gumawa ito ng buwelo para sa isang malakas na hit. Isinabay nito sa pag-atras ng kalaban ang pagwasiwas sa nagliliyab na espada. Ngunit walang kahirap-hirap na sinalag iyon ni Echiro gamit ang espada. Sa pagtatama ng kanilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD