SOCOTRA Island: World Society's Base. Halos kalahati ng isla ay okupado ng pinakamalaking base sa buong game. Sementado na ang lahat at napapaligiran ang buong lugar ng mataas na harang. Ang nag-iisang Teleporting Circle dito sa parteng timog ng isla ay napapaligiran na ng mga players ng World Society. Sa oras na may lumitaw na players doon ay senyales na iyon ng kanilang pagsugod. Sa pagpasok sa entrance ng base ay isang tila maze na daanan ang makikita. Kung hindi member ng Guild ay siguradong maliligaw ang sinuman bago tuluyang marating ang sentro ng base. May isang napakalawak na plaza sa harapan ng mga mataas na tore ng lugar. Iyon ang mismong lugar kung nasaan ang mga matataas na opisyal ng WS. Hindi magiging madali ang pagpunta roon ng kung sinumang hindi members na magnanais maka