Chapter 88: Stronger and Stronger

2768 Words

SI KIDO Sukehiro, ang number 1 sa Heroes Rankings. Isa siyang swordman. Isa siyang player na walang kahit anong armour na suot. Tanging sando na puti at maong pants lang ang suot nito. Kasama na rin ang itim nitong balabal na laging nakaikot sa kanyang katawan. Maskulado rin ang pangangatawan nito at mahilig manigarilyo. Bibihira rin siyang lumitaw o makita ng sinumang players. Ang espada namang gamit niya ay tinatawag na Slayer Sword. May kahabaan ang talim nito kumpara sa ibang espada. Hindi nabibilang sa mga rare items ang sandata niya, ngunit dahil sa lakas niya, tila kaya nitong sabayan ang napakalalakas na uri ng espada sa game. Siya nga rin si Nakato, ang panganay na anak ng creator ng Heroes Quest Online. Nagkita na sila ng kanyang ama sa loob ng game dati bilang Roscinante Gold.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD