ISANG pagpaltik ng daliri sa hangin ng isa sa mga players na nangunguna sa World Society ang ginawa ng 6th Vice-captain na si Lando. Ang kalbo pero balbas-saradong player na may katipunuan ang katawan. Iyon ang naging hudyat upang ang mga magic-user at mga ranged attackers ay magpakawala na ng skills na pupuksa sa unang isandaang players na nagmula sa Normal World. "Matagal-tagal na rin nang huli akong makaharap ng malalakas na kalaban..." seryoso namang sinabi ng 5th vice-captain na si Thunder. Nakasuot ito ng armour na kulay dilaw. Nakangisi siya habang hawak-hawak ang kanyang sandata na kung tawagin ay Lightning Spear. Nababalot na kaagad iyon ng kuryente. Pinagmamasdan nito ang mga players na kanilang tatapusin at para sa kanya ay magiging madali lang ito dahil siya ang pinakamabilis