MABILIS na tinapos ni Kido ang mga kawal ng World Society na nasa loob ng kanilang base. Gumamit siya ng Sensing upang makita kung nasaan si Xenon. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Ito na ang kanyang pagkakataon upang makita ang player na ito. "Black Dimensionalll... Slashhhh!" Bulalas ni Kido at nilampasan niya ang nasa sampung mga players. Umihip ang malakas na hangin sa paligid at ang lahat ng mga kalaban ay nagsibagsakan matapos magkaroon ng isang mahabang sugat sa kani-kanilang mga dibdib. Pinasok ni Kido ang isang pinto at tumambad sa kanya ang isang pataas at paikot na hagdan. Tinakbo niya iyon at habang tumataas siya ay palapit nang palapit siya sa kanyang pakay. Hanggang sa isang pintong may magandang disenyo ang lumitaw sa dulo nito. Binalot ni Kido ng mana ang kanyang kata