***** 2959. ISANG kwento ng dalawang matalik na magkaibigan, si Xenon at si Naka. Silang dalawa ang pinakasikat sa kanilang paaralan dahil sa kanilang katalinuhan at kagalingang mag-isip lalo na pagdating sa usaping siyensiya at teknolohiya. Nilampasan nila ang mga records ng mga matatalinong tao sa bawat pagsusulit. Hinigitan nila ang mga kaklase nila sa kahit anong aspeto ng pag-aaral. Nasa elementarya pa lamang sila noon, pero nakakalikha na kaagad sila ng mga AI Robots. Kaya pagka-graduate nila ay pinag-agawan kaagad sila ng mga naglalakihang paaralan sa buong mundo. Subalit hindi lang doon sila nag-e-excel. May isang bagay pa silang ginagawa kung saan sila ay naghahari. Ang Gaming! Online man o offline games. Sila ang pinakamagaling sa paglalaro ng makabagong DOTA. Ng Mobile Lege