Volume 7: NEW WORLD ***** LUMITAW sina Nigito at Hanna sa Teleporting Circle na matatagpuan sa labas ng Lily City. Isang araw lang ang lumipas pero ang dami na kaagad ng mga nangyari. Si Nigito na ang Rank 7 sa rankings at tinalo niya ang pwersa ng number 1 Guild sa Sakura Falls. Napakalaki na ng inilakas niya magmula nang siya'y bumalik. Hindi, sadyang lumakas siya dahil sa Fantasy Mode... at sa kagustuhan niyang protektahan ang mga importante sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang VS at t-in-rack si Kido. Hinanap niya kung nasaan ito habang pumapasok na sa lugar. Nag-iwan kasi ng signal tracer si Kido matapos itong mag-message sa kanya. "Nasa palasyo..." wika ni Nigito habang naglalakad sila ng prinsesa. Ilang sandali pa ay muli nilang narating ang sentro ng lugar. Pagkadating pa lama