CHAPTER TWENTY-TWO Czarina TAMA naman siguro ang desisyon ko na lagyan ng boundary ang lahat sa pagitan namin ni Clarence. Para ngang hindi na boundary itong gagawin ko dahil heto ako at nag-i-empake na. May nahanap naman akong apartment na malapit sa law firm at safe rin naman doon. Jeni extended her helping hand despite living on the run. But before Jeni could done it, makailang ulit pa niya ako tinanong kung bakit pa ako bumalik sa Manila. Sinabi ko na lang ang rason ko kaya ako bumalik dito sa Manila at tinanggap naman niya iyon. And that's to make sure na makukulong si Apollo. Kung hindi ay papatayin ko na lang upang matahimik na kaming lahat na mga biktima niya. “Where are you going?” tanong na gumulantang sa akin at nagpahinto sa halos patapos ko ng pag-i-empake. Sa paglingon