Chapter Twenty-Four Czarina Malamig ang hangin ngayong gabi at hindi sapat itong kumot na binalot ko sa aking binti para painitin ang aking damdamin. Nagtatalo pa rin ang puso’t isip ko kung sasabihin ko na ba kay Clarence ang kwento ng buhay ko. Malalim akong huminga nang hindi ko magawang mag desisyon agad. “Baka makatulong ito sa kung ano ‘man iyang iniisip mo,” sambit ng tinig na bumasag sa pag-iisip ko nang malalim. It was Clarence and he’s here in my place. Technically, sa kanya itong lugar at nakikitira lang kami ng mga kasama ko. Luckily they’re all outside kaya makakaiwas ako sa mga tingin na binibigyang kahulugan itong closeness naming dalawa ni Clarence. “Dapat kasama mo ang mga bata ngayon,” sabi saka tinanggap ang inabot niyang baso ng mainit na gatas. “Malapit na magsim

