CHAPTER EIGHT
Czarina
MULA ng lumabas si Dean sa suite na kinaroroonan ko, wala na kami naging kibuan ni Ellary. Kitang-kita ko naman na gustong-gusto niya ang pagkain na aking niluto. Para ngang ngayon lang siya nakakain ng lutong bahay na almusal. Siguro lagi silang order sa fast food dahil busy rin itong si Clarence.
Tsk. . . tsk. . .
“Where is Dean, Ella?” tanong ng baritonong tinig na pumukaw sa akin.
Kanina lang iniisip ko ang lalaking ito, ngayon nasa harapan ko na. Nasapo ko ang magkabila kong pisngi at dinama biglang pag-init noon. Bakit sobrang gwapo ng lalaking ito? Paano huwag maging marupok?
“Umalis na po, Dad,” Ellary answered. “He didn't eat before leaving.” Napahinga ako matapos marinig ang sinabi na iyon ni Ellary. Ang buong akala ko ay sasabihin niya na 'di gusto ni Dean ang presensya ko kaya umalis na agad. Infairness, ang reliable ng batang ito.
“Why are you standing there like a guard?” tanong ni Clarence sa akin na kinatawa naman ng anak niyang si Ellary.
“M-may kailangan ba ako gawin?” Balik tanong ko sa kanya.
“Zip your mouth for my peace of mind.” Umirap ako saka tumalikod para ikuha siya bg kape. Bakit laging importante ang peace of mind niya? Paano naman iyong sa akin? “You cooked?” Tumango ako saka nilapag sa lamesa iyong kape niya. Sinalinan ko rin ng orange juice ang baso ni Ellary kasi baka mamaya ay mabulunan siya. “You're allowed to talk when I'm asking you, Miss Guevarra.”
“Ang labo mo naman, ser. Ang hirap mag-adjust ha,” reklamo ko. Muling tumawa si Ellary pero sandali lang dahil sinita ito ni Clarence. “Dahan-dahan lang sa pagkain baka sumakit ang tiyan mo.” Paalala ko pa sa kanya at nag-thumbs up lang siya sa akin. “Nagluto ako kasi mas maganda kung lutong bahay ang kakainin niyo kaysa fast food.”
“It's just the same,” Clarence said. Umiling lang ako pero pinili ko na huwag na magsalita kasi baka bugahan na niya ako ng apoy. “After we drop my daughter at school, we'll go to Rizal to meet a client.” Kumunot ang noo ko. Wala iyon sa ginawa ko na shortlist ah! Kinuha ko tablet na company issued at tiningnan ang ginawa kong shortlist. “It's an important case which I squeezed in my shortlist earlier today.”
Dahan-dahan ko binaba ang tablet saka tiningnan siya. Bawal ako magreklamo kasi siya ang boss ko. And like what I've, I need Clarence for my protection. Himala ngang hindi ako pinupuntahan ni Apollo sa lugar namin. Nagtatago na naman iyon siguro dahil sa mga kung ano-ano'ng kabulastugan.
“Is she okay, Dad?” tanong na pumukaw sa akin.
“Oo naman! May internal meeting lang ako sa isip ko kaya natulala ako.” Palusot kong sabi pero mukhang ako lang ang nakakuha sa aking nasabi. “Kain na kayong dalawa. Masarap iyang mga 'yan. Niluto ko iyan na may kasamang pagmamahal.”
“You're weird. . .” Mahinang sabi ni Clarence pero narinig ko pa rin.
Masungit ka naman. Pagbuhulunin ko kayo ng anak mong si Dean. Ang daming mamana sa 'yo, iyong kasungitan pa. Paano kaya iyon? Hindi ba iyon magugutom?
Nakakalokang bata!
PAGKATAPOS ng almusal ay umalis na kami at hinatid si Ellary sa school. Na-amaze pa ako sa school na iyon kasi nga exclusive siya at parang mall. Ang kwento sa akin ng driver, sa kabilang side daw napasok si Dean na exclusive din. Ang yaman talaga nitong magiging amo ko kung sakali at para akong tiga-bundok na naninibago sa mundo nila.
After dropping Ellary at school, we went straight to Clarence's important client in Rizal. Doon ako nakaranas ng sobrang pagka-drain habang nagte-take down ako ng notes. Iniisip ko pa lang na i-ta-type ko ito uli mamaya ay naiiyak na ako. Gusto ko na tawagan si Jeni para humingi ng tulong kaso ayoko naman basta-basta na lang sumuko.
Pinasok ko ito kaya kailangan ko makalusot ng buhay dito.
Ngayon pabalik na kami sa office para naman sa susunod na meeting ni Clarence. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko na hinihilot niya ang sentido. Tingnan mo na, pati siya na-drain na rin sa sobrang bigat ng kaso. Doon ko talaga na-realize kung gaano ka-unfair ang mundo pero buti na lang may gaya nitong mga De Luna na handang tumulong lagi.
Naisip ko bigla kung kaya rin ba ako tulungan ni Clarence sa problema ko?
“Prepare the conference room and call my brother, Atty. Thirdy. I'll just take twenty before we begin.” Iyon ang sabi ni Clarence saka bumaba na siya ng sasakyan. Kakaisip ko sa problema ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.
Dali-dali ko naman sinunod si Clarence at ginawa ang inutos niya. Pagkatapos ay tumakbo ako sa malapit na pharmacy para bumili ng gamot. Kailangan niya ito dahil mukhang masakit na talaga ang kanyang ulo. Kahit naman ako pananakitan ng ulo sa dami ng impormasyon na nasagap.
Pero strong woman ito kaya wala pa sa bokabolaryo ko ang pagsuko!
Mabilis ako lumakad pabalik sa opisina ni Clarence. Nakasalubong ko pa nga si Jovelle at nagbatian kami pero hindi muna ako nakipag-tsismisan. Dire-diretso akong pumasok sa opisina at lumapit sa working table ni Clarence.
“Knock, knock,” sabi ko.
“What do you want, Czarina?”
Grabe! Paano niya nalaman na ako iyong pumasok? May mata ba siya sa likod ng ulo niya? “May dala akong gamot. Inumin mo muna para mawala ang sakit ng ulo mo.”
Umikot ang silya niya na nakaharap sa view sa labas. Seryoso ang pagkakatingin niya sa akin.
“Ito na ang una at huling beses na gagawin mo ito pati iyong pagluluto sa suite ko, naiintindihan mo? Not because something happened between us, you'll act too friendly around me.” Huminto sa pagsasalita si Clarence na para bang may iniisip pa siya na sabihin. Pinaglapat ko ang aking labi saka ilang beses na kumurap. “I hired you to work for me as my assistant to fix my schedule and organize it. It also means that you'll only do the things I asked you to do, no more, no less.”
“Hired na ako? Assistant mo na ako?”
“Do I have a choice?”
“Wala.” Umayos ako ng tayo. “Hindi naman krimen ang maging concern sa kapwa tao. Saka hindi ka makakatrabaho ng maayos kung may masakit sa 'yo. Concern citizen lang po ako. At gaya ng promise ko, hinding-hindi ka talaga mamomoblema sa akin. Lahat gagawin ko bilang assistant mo except lang iyong tumalon sa building at tumulay sa alambreng nag-aapoy.”
“Ngayon pa lang namomoblema na ako sa mga pinagsasabi mo, Czarina.”
Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita ulit. “Nakahanda na ang conference room at naroon na ang kapatid mo, Attorney. . .”
MALALIM na ang gabi sa labas ng bumaba ako sa opisina. Hindi ko na namalayan ang oras kaya heto at nagkukumahog na ako umuwi. Nagdadasal na sana may masakyan pa ako ng bus kasi kung wala, magpapataga na naman ako sa mga taxi driver. Unang araw pa lang ang dami ko na ginawa at mukhang hindi nga biro itong pinasok ko.
Naghubad na ako ng sapatos na nagawa ko naman habang naglalakad. Masakit na kasi ang talampakan ko at binti. Maghapon ba naman ako lumakad pasunod kay Clarence. He's literally everywhere, for Pete's sake!
Nahinto ako sa paglalakad ng maaninag ko si Clarence sa may garden na may kausap. Makiki-tsismis pa ba ako? Lumalalim na ang gabi pero parang interesting ang kung ano 'mang pinag-uusapan nila sa labas. Dahan-dahan ako lumakad palapit at habang ginagawa iyon ay mas naaninag ko na kung sino ang kausap niya.
It's Dean, his son!
“Really? For our sake? I doubt that, Dad. You're the most selfish man I know my entire life. You never been there for me, for Ellary. Tapos lagi ko makikita sa news na kaliwa't-kanan ang dine-date mo. Sa dalawang bagay lang naman naikot ang mundo mo, Dad - trabaho at babae!”
“Wala kang alam sa pinagdadaanan ko.”
Natuptop ko ang aking bibig pagkarinig sa mahabang salita na iyon ni Dean. But my gasps still interrupted them, halting Clarence who's about to slap his own son. Tumingin sa akin si Dean at mas madilim iyon kaysa sa pagkakatitig niya sa akin kanina.
“This is what I'm talking about, Dad,” he said and left.
Nilagpasan niya ako na parang pintuan na gulat na gulat sa narinig. Paano niya nagagawang sabihin iyon kay Clarence? But at some point in my life, I am seeing myself acting like Dean. Puro hinanakit sa mga magulang na hindi naman naging present habang lumalaki ako.
“Why are you still here?” tanong ni Clarence. Lagot! Ano ang isasagot ko sa kanya? “Naroon ang exit, wala dito,” he said.
“Ah. . . oo nga pala. I'm sorry, naligaw lang ako.” Akto akong tatalikod pero hindi ko pa rin napigilan ang pagiging pakielamera ko. “Gusto mong uminom?” tanong ko bigla sa kanya.
Umiling siya. “I told you to stop being concerned. I know how to handle myself, Czarina. Go home now.”
“Okay. . .” Tama din naman siya. Bakit kasi ang tsismosa ko? Pero eksena kanina, napatunayan lang noon ang sinabi ni Jeni sa akin na magulo nga ang relasyon ng mag-ama. “See you tomorrow, Attorney!” Paalam ko saka nagsimula na ako mag-martsa palabas ng law office. . .