bc

BOW DOWN TO ME, MY COLD HUSBAND

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
fated
arranged marriage
kickass heroine
stepfather
billionairess
heir/heiress
drama
lies
addiction
like
intro-logo
Blurb

BOW DOWN TO ME, MY COLD HUSBAND BLURB:Naging instant mag-asawa sina Martini at Lucian dahil sa arrange marriage na ginawa ni Don Ismael. Adopted Apo ng Don si Lucian na kinupkop nito, pinalaki at pinag-aral kaya malaki ang utang na loob niya sa matanda. While si Martini na lumaki sa Isla at namuhay ng payak ay nagulat din sa last will testament ng Lolo nito. Na kahit ayaw sana niyang gawin subalit kailangan niyang tuparin dahil sa dying wish ng Don. Dalawang taong stranger sa isa't-isa papaano pagbubukludin ng marital status nila? Si Lucian na ubod ng lamig kung makitungo na para bang kay hirap nitong abutin at basahin ang nasa kanyang isipan. Si Martini na ubod ng pasaway, matigas ang ulo at higit sa lahat may pagka-luka- luka?

chap-preview
Free preview
C-1: Nangunguhang Van
Napakunot-noo si TinTin nang mapansin nito ang tatlong lalaking tila sumusunod sa kanya. Hindi niya sana papansinin ang mga ito subalit kung saan siya liliko ay lumiliko din ang mga ito. Kapag binibilisan niya ang kanyang mga hakbang ay ganoon din ang ginagawa ng mga lalaki. Naalala niya tuloy ang mga nababalitang nangingidnap ng tao pagkatapos kinukuha ang laman loob nito. "Inang ko!" Bulong ni TinTin at walang ano-ano'y kumaripas na ito nang takbo. Anong gulat niya at takot dahil hinabol din siya nang tatlong lalaki. Sa kadahilanang gusto niyang mas mabilis pa ang kanyang takbo ay iniwan na din niya ang kanyang tsinelas. Hindi na nito inalintana ang mga batong naapakan na niya habang panay pa rin ang kanyang takbo. "Saka na kayo magreklamo mga paa ko kapag ligtas na ang ante niyo!" Sabi pa ni TinTin sa kanyang sarili at mas ginalingan pa niya ang kanyang pagtakbo. Nakita ni TinTin ang basurahang maliit pa ang laman na nakatiwangwang kaya doon na ito sumuot. Nagtakip na lang siya ng kanyang ilong sa mabahong amoy ng basurahang plastic na malaki saka niya hinila ang takip no'n. "Nakita niyo ba kung saang direksyon siya nagtungo?" tanong ng lalaki sa kanyang mga kasamahan. "Hindi eh! Ang bilis niya kaya," sabay na sagot ng dalawang kasama nito. "Tsss! Lagot tayo kay boss niyan, tinakot niyo kasi eh!" Paninisi ng lalaki. "Malay ba naming tatakbo siya," katwiran naman nang dalawa. "O, siya tama na. Puntahan na lang natin siya sa kanilang bahay. Kung bakit kasi hindi niyo sigurado kung siya nga iyon." Sermon ng lalaki. Napakamot na lamang ang dalawang kasama nito at magkakasama na silang bumalik sa kanilang pinanggalingan. Nang masiguro ni TinTin na nailigaw na niya ang tatlong lalaki ay umahon na siya mula sa loob ng basurahan. Agad niyang tinahak ang daan pauwi sa kanilang simpleng bahay. "Inang!" Sigaw agad ni TinTin nang makita nito ang Ina niyang nagbibilad ng mga isda. Nasa isang Isla sila at paglalako ng isda at mga daing ang pangunahin nilang hanap-buhay. Pero nagtataka si TinTin dahil buwan -buwan ay may nagpapadala ng pera sa kanilang mag-ina. Kabilang din naman sila sa mga maaayos ang tirahan doon sa Isla. Kaya lamang ay hindi maisaulo ni TinTin ang kanyang pag-aaral kung kaya't huminto na lamang ito. Kahit ano pang pilit ng kanyang Ina ay talagang hindi na ito pumasok pa. Lagi din kasi itong binu-bully na putok sa buho dahil wala nga siyang Amang kinagisnan niya. "Tin?" Naka-kunot noong bulalas ni Arida ang Ina ni TinTin. Mabilis na lumapit ang dalaga sa kanyang Ina sabay mano. "Anong nangyari sa'yo anak? Bakit ganyan ang hitsura mo at pati tsinelas mo ay wala? Saka...saka bakit mabaho ka?" Nagtatakang sabi ng Ginang. "Alam mo ba Inang? May nagbalak na kidnapin ako kanina iyong mga nangunguha ng laman loob Inang! Kita ko puti ang kanilang Van," ratrat agad ng bunganga ni TinTin. "N-Nangunguha ng laman loob?" nautal pang tanong muli ni Arida. Mabilis na tumango si TinTin. "Tumakbo ako nang mabilis tapos nagtago ako sa may basurahan kaya mabango akong umuwi!" Napangiwi naman si Arida sabay takip sa kanyang ilong. "Anak...baka puwedeng maligo ka muna okay? Mamaya na tayo mag-kwentuhan?" Pakiusap ng Ginang. "Mabango ba masyado Inang?" Tila nang-aasar pang sagot ni TinTin at mas lumapit pa ito sa kanyang Ina. "Tinnnn!" Sigaw naman ni Arida sabay layo sa dalaga. Tawang-tawa naman si Tintin sa reaction ng Inang nito pero nagpunta na din siya sa banyo pagkatapos. Nakahinga naman nang maluwag si Arida ng wala na ang pasaway niyang anak. "Mrs. Arida Bartolome?" Walang ano-ano'y sabi ng isang boses. Paglingon ni Arida sa kanyang gawing kanan ay may tatlong kalalakihang nakatayo doon. "Sino sila?" tanong naman ni Arida. "Ipinadala po kami ni Boss Lucian, Apo ni Don Eduardo!" Sagot ng lalaki. Napakurap-kurap naman si Arida at agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Bakit daw? Kung pipilitin na naman nilang kunin sa akin ang anak ko hindi pa rin ang aking kasagutan. Masaya na kami dito malayo sa gulo," Naging matigas ang boses ni Arida maging ang kanyang mukha. Ngumiti naman ang tatlong lalaki. "Hindi po ganoon ang bilin ni Senyorito Ma'am," ani nila. Nagsalubong naman ang kilay ni Arida, bumuntonghininga ito. Maya-maya pa'y inalok na niya ang tatlong lalaki na pumasok muna aa loob ng kanilang bahay. Upang doon sila mag-usap-usap. Baka mamaya ay marinig sila ng kanilang mga kapitbahay iilan lamang kasi ang nakakaalam sa tunay na katauhan ng anak ni Arida. "Anong kailangan niyo talaga sa amin?" Mahinahong tanong ni Arida nang nasa loob na sila ng bahay. Huminga naman muna ang lalaki bago nito sagutin si Arida. "Ito po ang sulat ni Don Eduardo sana ay basahin niyo. May nakalagay na number diyan tumawag lang kayo kung may desisyon na daw kayo sabi ni Senyorito." Paliwanag pa ng lalaki. "Anong nilalaman ng sulat?" tanong ni Arida na hindi pa nito kinukuha ang sulat mula sa lalaki. "Nasa hospital po siya malubha ang kanyang kalagayan. Ang tanging hiling niya ay makita ang Apo niyang si Martini Keith Bartolome Villarubin." Bagkus ay sagot ng lalaki. Hindi nakapagsalita si Arida nanginginig ang kamay nitong kinuha ang sulat mula sa lalaki. "Inangg!" Biglang sigaw ni TinTin na kakagaling lang nito sa kanyang kwarto. Gulat ang lahat at mabilis na nilapitan ni TinTin ang kanyang Ina. Hinila niya ito papunta sa kanyang likod habang hawak -hawak ang walis tambo. "Tin anak," sabi ni Arida. "Inang sila! Sila ang nais kumidnap sa akin kanina! Madali Inang humingi ka ng saklolo sa ating mga kapitbahay. Hindi ko hahayaang makalabas sila ng buhay dito!" Tungayaw ni TinTin saby duro sa tatlong lalaki. "Miss nagkakamali ka," depensa naman ng tatlo. "Ah hindiii! Kayo iyon, mga kumukuha ng laman loob para ibenta. Huli kayo ngayon sa akin! Ipapakain ko sa mga pating ang inyong katawan dito sa Isla!" Sigaw pa ni TinTin. Nagkatinginan naman ang tatlong lalaki saka tumingin kay Arida na nasa likod ng anak nito. "Tin anak," tawag pa ulit ng Ginang. "Ang bagal mo Inang daliii! Huwag mong sabihing nagustuhan mo ang nga mga pagmumukha ng mga shokoy na ito!" Talak ng dalaga. Isang batok ang natanggap ni TinTin mula sa kanyang Inang. "Aray!" Daing ng dalaga sabay harap kay Arida. "Puwede bang pagsalitain mo ako?" tugon ni Arida sa anak. "Kilala niyo sila Inang?" naguguluhang tanong ni Tintin. Marahang tumango si Arida sabay balik sa kanyang kinauupuan kanina. Bantulot ding umupo si TinTin sa tabi ng Inang nito pero nakairap sa tatlong lalaking nasa kanilang harapan. "Galing sila sa Lolo mo may iniabot na sulat kaya sila nandito." Paliwanag ni Arida. "Sulat? Bakit hindi na lang sa messenger iyong sa selpon ba!" Tugon ni TinTin. "Makinig ka nasa hospital ang Lolo mo at malubha daw ang kalagayan niya." Sabi naman ni Arida. "Senior na kasi Inang hindi na matibay ang katawan niya. Pero, sino nga ba si Lolo?" Saad naman ni TinTin. "Kilala mo siya anak, huwag kang magkunwari diyan." Pairap na turan ni Arida. Ngiting aso naman si Tintin sabay hagikhik. "Matagal ko ng hindi nakita si Lolo baka hindi ko na siya mamukhaan." "Tingnan mo na lang sa litrato," sagot naman ni Arida. Tumawa naman si Tintin. "Siyempre magbabago hitsura niya mangungulubot eh!" Giit nito. "Tumigil ka!" Pandidilat naman ni Arida sa kanyang anak. Habang ang tatlong lalaki at napatikhim saka nagkatinginan. Tumingin naman si Arida sa tatlong lalaki na naghihintay ng kanilang kasagutan. "Tatawag na lamang kaming mag-ina salamat sa paghatid dito sa sulat ni Don Eduardo." Sabi ni Arida sa tatlo. "Kung ganoon aalis na kami Ma'am babalikan namin kayo kung may pasya na kayo tungkol sa sulat ng Don." Sagot naman ng isa at sabay-sabay na silang tumayo. Tumayo din sina Arida at Tintin sabay hatid sa may pintuan ang kanilang mga bisita. "Ingat kayo sa nangunguhang puting Van!" Pahabol ni Tintin. Agad namang sinita ni Arida ang pasaway na si Tintin. Habang ang tatlong lalaki ay napailing-iling na lamang dahil sa mga kilos at pinagsasabi ng pasaway na dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook