NANGHIHINANG bumalik si Shine sa kama paglabas niya galing sa banyo. Ilang araw na siyang pinahihirapan ng pagsusuka tuwing umaga na lalong nagpatibay sa hinala niyang nagdadalang-tao siya. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa bahay ang pagiging moody niya sa mga nakalipas na araw. Idagdag pa ang pagiging mahilig niya sa mga pagkaing hindi niya kinahiligang kainin noon. Lalo na ang pagiging weird niya minsan. Itinatanggi lang ni Shine sa mga kapatid kapag naghihinala ang mga itong baka nagdadalang-tao na siya dahil sa mga pagbabagong napapansin ng mga ito sa kanya. Gumagawa lang siya ng palusot at nakukumbinsi naman niya ang mga ito. Hindi naman sa ayaw niyang magbuntis o sabihin sa mga itong buntis nga siya, gusto lang muna niyang makasigurado na nagdadalang-tao nga siya. Kahit si Ju